Chapter 3

48.3K 1.1K 112
                                    

Days passed at nagising ako ng 23 na. Dinampot ko ang cellphone ko na nasa side table ng kama ko at tinignan iyon kung may message galing sakaniya.

Nang makita kong wala ay napawi ang ngiti sa labi ko. What the hell? Hindi manlang niya naalala?

Nakabusangot akong dumiretso sa CR at binuksan ang shower. Nang matapos ako ay nagbihis agad ako ng uniform. Iniba na kasi nila Mommy ang araw kung kelan magu-uniform. Araw araw na pero ang P.E namin ay Thursday na.

Pagbaba ko sa kusina ay nakita ko agad ang pamilya ko na kumakain ng masaya. Padabog akong umupo at kumuha ako ng kanin at ulam tsaka nagsimulang kumain.

"What's the problem, honey?" Tanong saakin ni Daddy.

"Nothing, Dad." Matamlay kong sagot.

"I think there is,"

"Wala po talaga. Promise."

Hindi na lang siya kumibong muli. Nang matapo ako ay deretso akong tumayo at tumungo sa sasakyan. Hinintay ko ang dalawa kong kapatid at ng makarating sila ay agad na pinaharurot ni Kuya ang sasakyan.

"He didn't greet you, am I right?" Tanong sakin ni Ate na nasa gilid ko.

"Yeah. Hindi manlang niya naalala." Inis kong sagot.

Hindi na lang siya sumagot at tumingin na lang sa bintana.

Hinintay kong makarating kami sa University. Nang makarating kami ay agad akong bumaba at nagpaalam sakanila.

"I'll text you if we'll go home, okay?" Sabi sakin ni Kuya.

Tumango na lang ako.

Hinalikan nila ako ako sa pisngi at nagpaalam na.

Nakabusangot akong naglalakad sa hallway. Kapag may bumabati saakin ay binibigyan ko lang sila ng tipid na ngiti. Nang nasa floor na namin ako ay biglang may nag piring saakin.

"What the fuck?" Inis kong sabi.

Hindi nagsalita ang nagtakip sa mata ko. Imbes, may humawak pa ng dalawang kamay ko. What the hell is happening?

Huminga ako at naamoy ko ang pamilyar na pabango. Parang kay John 'yun ah?

Narinig kong may bumukas ng pinto. Naglakad kami ng bahagya at pinaupo nila ako sa upuan. At naramdaman ko na lang na wala ng nakahawak sa kamay ko at nakahawak sa panyo sa likod ng ulo ko.

"Tanggalin mo na," I heard a familiar voice.

Tinanggal ko ang pagkakapiring at namangha ako sa nakita ko.

Nasa gitna ako ng board namin at may mga nakasabit na puso sa paligid. Ang mga kaklase ko ay nakapaletter U at si Blake naman ay nasa gitna. Habang nasa likod niya ay ang barkada.

Nagsimula siyang magstrum ng gitara. Ngayon ko lang napansin na may dala pala siya nun.

"Lift your head, baby don't be scared,
Of the things that could go wrong along the way,
You'll get by with a smile,
You can't win at everything but you can try,"

Tinignan niya ako saka kumindat. Oh my god!

Tumili naman ang iba kong kaklase na ikina-halakhak niya.

"Baby, you don't have to worry,
'Coz there aint no need to hurry,
No one ever said that there's an easy way,
When they're closing all their doors,
And they don't want you anymore,
This sounds funny but I'll say it anyway,"

"Girl I'll stay through the bad times,
Even if I have to fetch you everyday,
I'll get by if you smile,
You can never be too happy in this life,"

Campus QueenWhere stories live. Discover now