Chapter 10

35.5K 1K 30
                                    

Days passed by. At gaya nga ng pangako ko kay Blake hindi ko siya iniwan. I'm always at his side whenever he needs me. Kahit busy dahil graduating kami ay hindi namin hinahayaan na mawalan kami ng time sa isa't isa. At ngayon, nandito kami sa arcade kasama si Brenna. Namimiss niya na daw kasi kaming kasama kaya eto, bumabawi kami.

"Kuya! Kuya! I want that bear! Please." Sabi ni Brenna kay Blake at nagpout.

Ang cute niya! Waaaah! >_

"Sure, baby. Kuya will get that bear for you, okay?" Sabi ni Blake kay Brenna.

Tumango naman si Brenna at tumabi siya saakin habang tinitignan at chinicheer ang Kuya niya sa pagkuha ng bear na gusto niya. Nakailang try din si Blake pero hindi niya makuha-kuha ang bear na gusto ni Brenna.

"Waaaah! Huhuhu. I really want that bear! Ate Kylie, can you please give Kuya a kiss? Maybe if you kiss him he can get that bear for me." Request ni Brenna sakin.

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya yumuko ako at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"Do I really need to do that, baby?" Tanong ko sakaniya.

"Opo."

"Hmm, okay."

Tumayo ako ng tuwid at hinarap si Blake na ngayon ay nakangisi saakin.

"Can I get my goodluck kiss now?" Tanong nito.

Tumingin naman muna ako sa paligid. Mga busy naman sa paglalaro ang mga tao dito kaya lumapit ako sakaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"I think, I can't get your bear, baby." Sabi ni Blake kay Brenna.

Nalungkot naman ang mukha ni Brenna. Ako naman ay naguluhan.

"But why Kuya?" Malungkot na tanong ni Brenna kay Blake.

"Because I want one more kiss from your Ate Kylie." Ani nito at tinignan ako.

"Ate Kylie, kiss Kuya please. For me? I really want that bear!" Pagmamakaawa ni Brenna saakin.

Bumuntong hininga naman ako at tumango. "Alright baby. For you," sabi ko at lumapit na kay Blake. "Ginagamit mo pa talaga ang bata para lang mahalikan kita. Loko ka talaga." Sabi ko sakaniya at pinisil ang ilong niya bago siya bigyan ng mabilis na halik sa labi.

"Aww. Kuya, ang sweet niyo ni Ate Kylie! Ayiie." Kantyaw saamin ni Brenna.

Tumawa na lang kami ni Blake at itong loko naman ay kinindatan ako bago maghulog ulit ng token sa machine at ginalaw na para itutok sa bear. Tutok na tutok naman kaming tatlo ng makita naming bumababa na ang kumukuha sa mga bear na nasa loob. Napacross fingers naman ako ng makita kong nakuha ito at dahan dahang tinatapat sa gilid. Napatili naman ako ng makitang nashoot iyon at nakuha ni Baby Brenna.

"Waaaah! Kuyaaa! I got my baby bear! Thank you Kuya!" Masayang sabi ni Brenna kay Blake.

Binuhat naman ni Blake si Brenna at ngumiti ito.

"Anything for you, my lil sis. So where do you want to go next?"

"I wanna eat. I'm so hungry na Kuya."

"Okay baby. Kakain na tayo. Its already 12:30 na din. Let's go?" Tanong saakin ni Blake.

"Tara." Sagot ko at hinawakan naman niya ang kamay ko.

Buhat buhat niya pa din si Brenna na tuwang tuwa si bago niyang bear.

"Oh my gosh. Tignan mo oh! Ang cute ng anak nila!"

"Kyaaah! Ang gandang lahi! Wait, diba sila yung sikat na couple sa Easton University? Sila ang BlakeLie couple diba?"

"Omg! Sila nga! May anak na sila?! Sheeems! Happy family sila!"

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon