Chapter 53

29.7K 740 107
                                    

After that day, naging masaya kami ulit. Back to normal, wala kaming problema or what. We're back to the BlakeLie gestures.

"Kylie biliiiis! Mal-late na tayo!" Sigaw ni ate mula sa baba.

Tumingin akong muli sa salamin at nginitian ang sarili ko.

"See you, bestfriends!" Tuwang tuwa kong sabi at hinila na ang maleta ko.

Christmas sem na. At dahil mage-eighteen na ko at hindi kami nakapagchristmas vaca sa Phil. ay ngayong taon kami uuwi.

"Kakadating lang din ni Blake." Sabi sakin ni Lexis.

Kasama namin sila umuwi. Si Jules at Blake kasama din. Sila Jershey? Pumunta naman sila kung saan nakadestino ang magulang nila.

Lumabas na kami at nilock na ni Tita ang pinto. Excitement filled my body! After one year, makakauwi na din ng pinas! ^_^

"Sasakay na po ako tita!" Sabi ko kay Tita at tumango naman siya saakin.

Sumakay na ako sa sasakyan ni Blake at nakita ko siyang nakashades sa gilid ko habang nakalagay ang mga daliri sa ibaba ng baba at nakapatong ang siko sa bintana.

"Let's go?" Ngisi niya saakin.

"Lezz gow sagow!" I said as I giggled.

Hindi ko talaga maiwasang hindi maexcite. Alam ng barkada na uuwi kami kaya sasalubungin daw nila kami sa airport.

Ilang minuto ang lumipas at napansin kong nasa airport na kami. My heart filled with excitement again!

"By, pano 'tong kotse mo?" Tanong ko kay Blake ng maalala ko itong kotse niya.

"Hindi ko alam. Sila Daddy na daw bahala e." He shrugged.

Hindi na ako kumibo at tinignan muli ang airport. I can't wait to ride that plane again!

"Tara na by! Omg!" Sigaw ko ng huminto siya at bumaba na agad sa sasakyan niya. Narinig ko naman ang tawa niya.

Nilabas ko agad ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan niya at naglakad na papunta kila Vanessa.

"Check in na?" Tanong niya samin at tumingin naman ako sa relo ko.

2pm flight namin. Malapit na, 1:15 na e.

"Tara na!" Panguna nguna ko at pumasok na.

Ilang minuto kaming naghintay at ng tinawag na ang flight namin ay agad agad akong tumayo at sumakay na sa eroplano.

"I can't wait." I said as I giggled when I finally sat.

"Baby, sleep first. Gigisingin na lang kita pag nandun na tayo." Sabi ni Blake at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Ehh! Didilat ako hanggang sa makarating tayo." Sabi ko at inangat ang ulo ko.

"Bahala ka. Iisipin mong ang tagal natin."

"Sabagay. Sige, gising mo ko ha?" Ngiti ko at sinandal na ang ulo ko sakaniya.

See you, Philippines!

**

"Baby, we're here. Wake up.."

Paulit ulit iyon na binulong sakin ni Blake. Dumilat ako at ng makita kong nasa Pilipinas na kami ay dali dali akong tumayo.

"Oh my god. Faster please!" Sabi ko at nagmadaling lumabas.

Hindi naalis ang malapad na ngiti sa mukha ko. Hinintay kong makalabas sila at inakbayan ako ni Blake pagkalabas nila.

"Too excited?" Tawa niya at naglakad na kami papunta sa baggage counter.

Kinuha namin ang bagahe namin doon at naglakad na palabas. Oh my..

Campus QueenWhere stories live. Discover now