Chapter 37

24.1K 722 120
                                    

Napamulat ako dahil sa sikat ng araw na sumasapul sa mukha ko. Kinusot ko ang mata ko at umupo sa kama ko. Ang hapdi ng mata ko. Bakit ganun?

Napatingin ako sa unan ko at nakita kong basang basa ito. Umiyak ba ko kagabi?

Naalala ko nanaman yung panaginip ko. Nagbreak daw kami ni Blake. Hindi naman 'yun totoo diba? Panaginip lang 'yun.

Nandito pala ako sa condo ko. Dinala siguro ako ni Blake dito kagabi. Hays, nakatulog ako sa gitna ng kainan namin? :3 Lumabas ako at nakita kong may sulat doon.

- Bes, umalis na kami. Nilutuan ka na din namin. Hindi kasi kami pinayagan nila Mommy na dito muna sa condo mo. Anyway, we'll go here again later. :) see yah! /Kins.

Napatingin ako sa table at nakita ko ngang may luto sila. Naghilamos muna ako at nagbihis pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung nagtext si Blake, pero wala.

Bakit hindi siya nagtetext? 'Wag nyong sabihin na totoo 'yun? Hindi...

Napalingon ako sa pinto ng may kumatok bigla. Pinagbuksan ko iyon at nakita ko si Vanessa.

"Goodmorning." Bati niya.

"Hey! Morning. Kumain kana?" Tanong ko sakaniya, "Pasok ka." Sabi ko.

"Uh, hindi pa. Kakagising ko lang din e. Are you okay na?" Tanong niya.

Sinara ko ang pinto at naglakad papunta doon sa lamesa. Lumingon ako sakaniya ng nakakunot ang noo.

"Ha? Oo naman. Bakit ako hindi magiging okay? May nangyari bang hindi maganda?" Tanong ko din sakaniya at umupo na para kumain.

"Wait, seriously? Hindi ka naman nagka-amnesia diba? Wala ka bang naaalala na nangyari kagabi?"

Umiling ako, "Wala. I just had a bad dream. A very bad dream." Sabi ko sabay iling at nguya ng hotdog.

"Dream? Anong dream?"

"Well, I hope it's not true. But it's about me and Blake. Nagbreak daw kami. And, ayaw niyang sabihin 'yung dahilan kung bakit."

Tinuloy ko ang pagkain ko habang si Vanessa ay nasa harapan ko. Nakatingin sakin.

"The heck? Are you serious?"

"Yeah. Nga pala, may binilin ba siya sayo kagabi? Pumunta ba siya dito?"

"Actually sis, uhh, ano."

Tumingin ako sakaniya ng nagtatanong ang mga mata ko.

"It's not a dream. It's true."

Parang tumigil ang mundo ko ng sinabi niya 'yun. Para akong natabunan ng ilang hollow blocks dahil sa sinabi niya. At para akong sinaksak ng ilang beses sa sobrang sakit.

Napatawa ako. "Are you freaking serious? He can't break up with me. Nakikita mo ba 'to, Van?" Sabay taas ko ng kamay ko at pakita sakaniya ng singsing, "This proves that we won't seperate. He loves me so much and he can't leave me."

Tumayo si Van at lumapit siya saakin. Umupo siya sa harap ko at hinawakan ang kamay ko.

"'Wag mong lokohin sarili mo. We all know that it's not a dream. Sis, wake up! Iniwan ka na niya. He left you... with a big question why."

Umiling ako, "No, no, no." Tumayo ako at lumayo sakaniya sabay tinuro ko siya, "You're trying to ruin us again! Bakit? May gusto kapa ba sakaniya? Akala ko ba ayos na? Akala ko ba okay na lahat?!!!"

Kita kong nagulat siya kaya napatayo siya.

"What the heck?! I'm not! I'm just saying the truth! Concern lang ako sayo! Bumabawi ako dahil sa mga ginagawa ko! Ayokong ipaniwala sayo na hindi 'yun totoo dahil isang malaking katangahan 'yun! Pwede ba? 'Wag kang tanga!"

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon