Chapter 17

30.6K 837 55
                                    

Kylie's Pov

Third day na. Wooh! Sa wakas matatapos na din ang maghapong kakaikot.

Nandito kami ulit ngayon sa Theatre. Pinapanood namin ngayon sila Ate na nagp-perform.

"Ate ko 'yan!" Sigaw ko at tumawa.

Binatukan naman ako nila Jai.

"Alam namin. Pwede 'wag ng ipagyabang?" Sita niya saakin at umirap.

Tumawa naman ako at nanood na lang ulit.

Nang sila Kuya na ay jusme! Tilian ang mga babae.

"KEAN BRANDON DELA VEGA! AHHHH!"

Napairap naman ako. Mga malalandi. Tss.

Siniko ko si Ate Meg na nasa tabi ko.

"Oh, ginaganyan nila boyfie mo oh? Pano ba 'yan?"

"Watch and learn," Aniya at kinindatan ako.

Tumayo siya at ngumisi.

"BABY! GO! YOU CAN DO IT! IHATAW MO PA! I'M WATCHING HERE! AHA AHA! 'YAN!" Sigaw ni Ate Meg.

Natawa naman kaming lahat sa sinigaw niya. 'Yung mga babaeng sumigaw naman ay tumingin sakanya at sumimangot.

"Gosh, 'yung mga banat ng girlfriend ni Kean parang pang squatter. Tss."

Tinignan naman sila ni Ate Meg at tinaasan ng kilay. "Inggit ka? Edi sumigaw ka din!" Aniya at umirap.

"Hoy ate! Tama na nga! Grabe 'to." Saway sakanya ni Ara.

Tumawa naman kami at nanood na lang.

**

"Kumain ka." Utos ko kay Blake.

Tapos na ang programme. Games na ngayon. Pero eto kami, ngayon pa lang kakain.

"Ayoko," Sabi niya.

"Kumain ka sabi!"

"Ayoko nga."

"Bakit ba?!" Inis kong tanong sakanya.

"Diet ako."

Napanganga naman ako.

"Woah, diet? Sa payat mong 'yan magd-diet ka pa?!"

"Ako payat?" Pilyo nyang sabi.

"Ay hindi. Si Ian! Malamang ikaw! Ikaw kausap ko e." Sabi ko at umirap.

"Hoy ano 'yan! Naririnig ko pangalan ko ah!" Sabat ni Ian na nasa kabilang side.

"Letche, manahimik ka!" Bulyaw sakanya ni Jai at sinupalpalan sya ng chips sa bibig.

Natawa naman ako sakanila at ibinaling ulit ang tingin ko kay Blake na naglalaro sa phone nya.

"Blake!" Sigaw ko sakaniya.

"What?"

"Eat."

"No."

Ay? Paiklian lang? Ano bang masasabi ko na one letter lang? Wala naman e!

"Isa. Pag hindi ka kumain iiwan kita." Banta ko.

Agad niya namang ibinaba ang cellphone niya at ngumanga sa harap ko.

"Eto na nga o! Kanina pa ko nakanganga hindi mo manlang ako pinapakain." Aniya at pumikit.

Tumawa naman ako at pasimpleng kinuha ang phone ko at pinicturan siya.

Dumilat naman siya kaya agad kong ibinaba ang phone ko.

Campus QueenWhere stories live. Discover now