Epilogue

32.3K 982 143
                                    

[Hi Leley!] Bungad saakin ni Jules pagkasagot ko ng telepono.

"Hey, nakakapagtampo ka. Hindi kana pumupunta dito." Bahid ang lungkot sa boses ko.

[I'm sorry. Pupunta naman ako mamaya e, diba?]

"Yeah. Pero iba pa din yung kinukulit mo ko araw araw. Yung pinupuntahan mo ko dito, ganun."

[Don't worry, ley. Bukas na bukas magd-date tayo!] Masigla niyang sabi.

Nakaramdam ako ng tuwa ng sinabi niya 'yun. "Really? Anong oras?" Masaya kong tanong sakaniya.

[Hmm, I'll fetch you at 2pm?] Alam kong nakahawak siya ngayon sa baba niya.

"Sure!"

[Eh ang tanong, papayag ba boyfriend mo?] Tanong niya saakin.

"Ako bahala. Basta makasama kita. Namimiss ko na bestfriend ko e!"

[I miss you more, my princess. Sige baba ko na 'to ha? Magr-ready na ko.] Tawa niya.

"Pa-VIP talaga kahit kailan!" Irap ko kahit hindi niya makikita.

Tumawa na lang siya at ibinaba ko na ang telepono.

"Tara na tara na!" Sabi ni Ms. Rose saamin habang kinukuha ang envelope niya at sinukbit ang bag niya.

It's June 23, at ito na ata ang pinakanakakangarag na event ng company nil Daddy. Halos lahat ata ng taga-Events Bldg. ay ngarag na ngarag.

"Kylie! Sa van ka nila Elise?" Tanong saakin ni Ms. Rose habang naglalakad kami patungo sa elevator.

"Hindi. Susunduin daw ako ni Blake. Kasama ang family niya sa event na 'to e, malapit na daw siya 'wag ka magalala." Sabi ko at pinindot ang G.

"Osige. Text mo kami kapag malapit na kayo dun."

Tumango ako at nagusap usap na ulit sila tungkol sa event mamaya. Tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong may text na doon si Blake.

From: Blakey ❤

- Malapit na ko, baby. See you! :)

Hindi ko na siya nireplyan at lumabas na ng elevator. Nandun na ang van na gagamitin nila Ms. Rose.

"Ano, Kylie? Una na kami ah? Magtext ka." Sabi nila kaya tumango ako.

"Ingat kayo." Paalam ko sakanila at kumaway.

Tinignan kong muli ang cellphone ko. May text na siyang muli.

From: Blakey ❤

- May nakita akong champurado. Binilan muna kita. Tas humingi na din akong paper bowl para dun mo kainin. 10 mins and I'll be there. See you, my one and only! :) :*

Napangiti ako dahil dun. Agad akong nagtype ng reply.

To: Blakey ❤

- Sa tapat ako ng parking lot maghihintay. My fav! :">

Pagkasend ko nun ay naglakad na ko patungo sa tapat ng parking lot. I feel something weird kaya lumingon lingon ako. Feeling ko kasi may nakatingin saakin.

Nagulat ako ng may tumigil na van sa harapan ko. Bumukas ito at lumabas ang tatlong lalaki na nakamask at sumbrero.

"Fuc-- asdfghjkl!" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil tinakpan nila ang bibig ko!

Agad nila akong pinasok sa van at nagpumiglas naman ako.

"Pakawalan niyo ko!" Sigaw ko pero tinakpan nila ang ilong ko at ang alam ko na lang ay nakatulog na ako.

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon