Chapter 61

26.5K 732 123
                                    

"Nope. Just saying the truth. I know her too well, guys. Too well for me to know now that.." Ngumisi muna siya at tinignan ang kamay ko. "She's pretending that she moved on already."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niyang iyon. Nakamove on na ko and I'm sure of that!

Napailing na lang ako sa sinabi niya at tinapik na ng bahagya si Jules sa pisngi.

"Jules, come on. Dun na tayo sa tent." Tapik ko sakaniyang pisngi at pangbabalewala na din sa tingin sakin ni Blake at ng barkada.

"I'm not sleeping, Kylie."

Kumalabog ang dibdib ko ng marinig ko yun sakaniya. Hindi siya natutulog, so it means narinig niya ang sinabi ni Blake kanina.

So what, Kylie? Nakamove on kana diba? Dapat wala ka ng pakealam kung narinig man yun ni Jules o hindi.

Nakita kong tumayo na si Jules sa tabi ko at nilahad ang kamay niya sakin.

"Let's go." Aniya kaya tinanggap ko ang kamay niya at walang lingon likod na naglakad patungo sa tent namin.

Obviously, by partner ang magsasama sa isang tent.

Pumasok na kami ni Jules sa tent ng tanggalin niya ang zipper nito. Katamtaman lang ang laki nito katabing tent namin ay yung kina Doms at Ethan.

"You moved on already, right?" Tanong saakin ni Jules habang inaayos ko ang hihigaan namin.

Tinignan ko siya. "I am."

"Come on, Kylie. Don't fool me. Sa dalawang taon na nakasama kita araw araw, kilalang kilala na kita."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon.

"I can't get what your trying to say, Jules."

Bumuntong hininga siya at tinignan ako sa mata. I hate it when Jules being like this. Nakakatindig balahibo ang pagtingin niya ng mariin sa ganitong sitwasyon. Halos marinig na nga ata ang kabog ng dibdib ko.

"Sana lang hindi sayang ang paghihirap mo sa Georgia noon. Sana yung mga luhang binuhos at yung sakit na naramdaman mo noon sakaniya hindi ko makita ulit sayo. I don't wanna see you being hurt again by him. There's no way I'm gonna let him, Kylie." Madiin niyang sabi bago humiga at ilagay ang braso niya sa noo niya at pumikit.

I stared at him.

Jules Montemayor. The one who didn't leave me. The one who letted himself to be my crying shoulder. The one who became my best friend.

Nasaksihan niya lahat ng ginawa ko noon para lang makalimutan ko si Blake. Nakita at narinig niya lahat. Wala siyang ibang ginawa kundi ang aluhin at damayan ako. I owe him big. At alam ko na hindi ko dapat nararamdaman ang ganitong klase patungo kay Blake. Hindi dapat ako nasasaktan sa tuwing nakikita ko siyang may pamilya na.

I can't afford to lose Jules. Not him.

Ilang minuto din akong nakatingin sakaniya ng napagdesisyunan kong humiga na sa tabi niya. Pumikit ako at sinubukan kong matulog.

Hindi ko alam kung ilang minuto kong pinilit na matulog. Kung ano anong posisyon na ang ginawa ko makatulog lang. Shit!

"Ang likot mo, leley.." Bulong ni Jules kaya napatingin ako sakaniya pero nakita ko siyang nakapikit pa din. Naramdaman niya siguro.

Hays, siguro kailangan ko munang lumabas.

Paglabas ko ay nakita kong nasa kaniya kaniyang tent na ang barkada. Sinuot ko na ang tsinelas ko at naglakad patungo sa dagat. Umupo ako sa buhanginan habang nilalabas ang cellphone ko na nasa bulsa ko.

Campus QueenWhere stories live. Discover now