Chapter 35

28.8K 805 81
                                    

Sorry sa late UD. Sabay sabay na event at nagpasukan na kami e.

Vanessa's Pov

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Pinahid ko ang mga luhang sunod sunod na pumapatak at tumingin muli doon.

''Omagard...'' Sabi ni Rachelle.

Tinignan ko siya, ''Totoo ba 'yung narinig natin? Diba hindi? Chelle, tell me...'' Pagmamakaawa ko sakaniya.

Dahan dahan siyang umiling, ''T-totoo 'yung narinig natin, Van.'' Sabi niya kaya lalo akong nanlumo.

''Nasa sayo kung ipapahamak mo siya. Ilang araw na lang ang natitira. Magdesisyon kana bago mahuli ang lahat.''

Napatingin ako at nakita kong 'yung isang lalaki ay tinapik ang balikat niya at umalis na.

''Oh no... no...'' Sunod sunod kong iling.

Naramdaman kong niyakap ako ni Rachelle. Shit lang.

"Manloloko siya..." Hagulgol ko sa balikat niya.

"Shh." Ayun lang ang tanging sinabi niya bago niya ko yakapin lalo ng mahigpit.

Nakita kong lumakad silang dalawa kaya kumalas agad ako kay Rachelle para masugod sila.

"Taran--" Agad tinakpan ni Rachelle ang bibig ko kaya hindi ko natuloy ang sasabihin ko.

Hinatak niya ako papunta sa corridor. Binitawan niya ako at ako naman ay habol hininga.

"Fuck shit, Rachelle! Bakit mo ko hinila? I'm gonna punch their faces! Mga manloloko sila!" Nanggagalaiti kong sabi.

"Shut up, Vanessa! Walang mangyayari kung gagawa ka agad ng move! Baka naman iba ang sinasabi nila! Don't jump to conclusions!" Inis niyang sigaw sakin.

Umiling ako, "No! It's obvious that they're talking about her!"

"Van, I know you're just being protective. But what if hindi tungkol sakaniya 'yun? Stop, okay?"

Hindi ako umimik. Bumuntong hininga na lang ako at lumabas.

Iritang irita ang mukha ko habang naglalakad patungo sa room. Lahat ng nakakasalubong ko na kinakausap ako ay hindi ko pinapansin. Naiinis ako! Naiirita!

Pagdating ko sa room ay ang gulo nilang lahat. May nagbabatuhan at may mga naglalandian. Tinignan ko silang lahat ng masama kaya napatigil sila.

"Hey, faggot! Kung may problema ka 'wag mo kaming dinadamay. Wala kami pakealam sayo. Kaya umayos ka! Hindi ikaw namumuno sa room na 'to." Bulyaw sakin ni Liz.

Tinignan ko siya ng mariin, "Shut up." Inis kong sabi.

"Oh why? Naaasar ka na?" Ngisi niya.

"Sino ba namang hindi maaasar sa mukha mo? Bukod ba sa mukha mo ano pang problema mo?"

Namilog ang mata niya sa sinabi ko, "You--!"

"Oh shut up! Umaalingawngaw ang kabahuan ng hininga mo kaya manahimik kana lang!" Inis kong sabi sakaniya.

Ilang minuto ang lumipas at dumating na din si Sir.

Nagdiscuss lang siya at nagpaquiz tapos ay pinagrecess niya na kami.

Tumingin ako kay Rachelle at nakita ko siyang nagaayos ng gamit.

Lumapit ako sakaniya at hinawakan ang kamay niya.

"I'm sorry."

Tinignan niya ako at ngumiti siya, "Bitch. Hahaha! Alam mo naman na hindi kita matitiis." Sabi niya.

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon