Chapter 62

26.6K 749 111
                                    

Habang kumakain kami ay ramdam ko ang tensyon sa pagitan ni Blake at Jules. Katabi ko si Jules habang kumakain habang nasa harapan ko naman si Blake.

"Mommy, chocoleyt!" Masiglang sabi ni Lianna.

"No, Lia. Kumain ka muna ng rice."

"But I want chocoleyt." Nakangusong sabi ng bata.

Sumimsim ako sa tubig ko at inilapag ang mga kubyertos ko. I'm done.

"Ayun lang?" Nagtatakang tanong ni Jules saakin.

Tinignan ko siya kaya tumango naman ako.

"Yup, busog na ako."

"I think no. You should eat more. Ang konti lang ng kinain mo."

"I'm okay Jules. Don't worry."

Tinignan niya ako gamit ang nagaalalang mata niya. This is why I love Jules. Yes, masiyado siyang protective saakin na kahit sa anong bagay hindi siya makuntento.

"I'm just worried."

"Lianna I said no!"

Napatingin ako sa sigaw na iyon at nakita ko si Liz na nagagalit na.

Nagsimulang mamuo ang mga luha sa mata ni Lianna at tuluyan na itong bumagsak.

"I just want chocoleyt!" Iyak nito.

"Bigyan mo na Liz." Utos ni John sakaniya.

Nakita kong pinagtaasan ni Liz ng kilay John. "Hindi siya pwede mag chocolate. Ako ang nanay, ako ang masusunod."

Pinaglapat ko ng mariin ang mga labi ko. Hearing those words from her? Maling akala lang pala na nagbago siya.

"Daddy, chocoleyt." Umiiyak na sabi ni Lianna kay Blake.

"Okay. Isa lang ha?" Pagaamo ni Blake kay Lianna.

Nakita ko ang tuwa sa mukha ni Lianna.

"Blake, hindi siya pwede." Naiinis na sabi ni Liz sakaniya.

"Only once, Liz. Para lang hindi na siya umiyak." Sabi ni Blake habang binibigay ang chocolate kay Lianna ngunit agad iyon hinablot ni Liz.

"Hindi siya pwede sa matamis!" Sigaw nito kaya napatingin na kaming lahat sakanila.

Nakita ko ang pagtikhim ni Blake at tinignan niya si Liz gamit ang malalamig niyang mga mata.

"Chocoleyt!" Iyak muli ni Lianna.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tumayo na ako at umikot patungo sa upuan nila.

"I said no, Lianna. 'Wag matigas ang ulo mo!" Galit na sigaw ni Liz.

Nang makalapit ako sakanila ay nakita ko ang kamay ni Liz sa bandang hita ni Lianna. And my eyes widened when I saw her pinched Lianna's legs.

"Liz!" Sigaw ko at agad tinapik ang kamay niya.

Lumakas lalo ang iyak ni Lianna dahil sa kurot na iyon.

"Ky, what happened?" Nagaalalang tanong nila Kinah.

"What now?" Malditang tanong saakin ni Liz.

"Bakit mo sinaktan ang bata?!" Galit kong sigaw sakaniya at hinarap sakin si Lianna ngunit agad niyang hinawi ang kamay ko.

"Don't touch my daughter."

Tinaasan ko siya ng kilay sa ginawa niya. Napatayo na din sila Kinah at pumunta na din sa gilid ko.

"Did I heard you right? Then, bakit mo sinasaktan ng ganun ang bata?"

"You don't care, Kylie. 'Wag kang makisali sa usapang pamilya."

Campus QueenWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu