Chapter 14

28.2K 803 132
                                    

PS- Si Kinah at Kiara ay iisa lang po. Ukie? Ukie. XD sana maenjoy niyo 'to.

Ilang weeks din ang nakalipas after nun. At eto na,  25th anniversary na ng itinayong school nila Mommy. First day pa lang ito kaya dumiretso na muna kaming lahat sa Field dahil doon magp-perform ang mga Elementary.

Pumwesto na kaming mga Officers sa mga gilid at nagsimula na ang programme. Waaaaah! Ang cute ng mga bata habang sumasayaw. How I miss being a kid like them.

Hindi ko pa nakikita ang barkada ngayon dahil dumiretso nga ako dito. Mamaya na lang siguro kapag nagkaroon ng 30 minutes break.

Pumunta akong backstage at tinulungan si Aljohn. Pagkatapos sumayaw ng Grade 3 ay nagkaroon na kami ng break.

''Baby!'' Napatingin ako sa sumigaw nun.

Sila Blake! Pero bago pa man ako tuluyang makalapit sakanila ay nahatak na ko ng taong hindi ko kilala.

''Bitawan mo ko!'' Pagpiglas ko.

Sino ba 'tong humahatak sakin?!

Inis na inis ako kaya nagpupumiglas ako sa hawak niya.

''Kylie!'' Sigaw nila Jai na tumatakbo na ngayon papunta saakin.

''Jai!'' Sigaw ko pabalik at  hahatakin na sana ang kamay ko pero hinawakan ng taong 'to ang braso ko at tumakbo.

Shit! Muntik ko ng mahalikan 'yung sahig kaya hinampas ko 'tong humihila sakin.

''Ano ba?! Sino ka ba?! Bakit mo ba ko hinihila?! May gagawin pa ko!'' Sabi ko at sinusuntok-suntok siya gamit ang isa ko pang kamay.

Nakarating kami sa likod ng University. Walang tao dito. Binitawan niya ako at tumalikod siya saakin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasumbrero siya at nakababa 'yun hanggang sa matakpan ang mata niya.

''Sino ka ba ha?! Bakit mo ko hinila dito?!'' Sigaw ko sakaniya.

Hindi siya kumibo kaya hinampas ko ang likod niya ng sunod sunod sa sobrang inis ko.

Nagulat ako ng hinarap niya ako bigla at tinanggal ang cap niya.

''Ako. Gusto ko ng bumalik ka. Please naman, Kylie.'' Pagmamakaawa niya.

Siguro naman kilala niya 'tong lalaking nasa harap ko?

''How many times do I have to tell you na, AYOKO. Tama na 'yung dati, Kurt. Tama na,''

''I'm begging you. I regret hurting you years ago,''

''I won't be yours again. Oh let me rephrase that, I will NEVER be yours again.'' Sabi ko sakaniya at tinalikuran siya.

Maglalakad na sana ako ng hinatak niya ako at hinalikan ako ng mariin. Masakit. Sobrang sakit ang ginagawa niya.

Sinusubukan ko siyang itulak pero hinawakan niya ang dalawang kamay ko at sinandal ako sa pader.

Sunud-sunod ang tulo ng luha ko. Feeling ko magsusugat na ang labi ko dahil sa ginagawa niya. Napapikit na lang ako dahil sobrang sakit na ng nararamdaman ko.

*Boogsh* 

''Tangina! Eto nanaman tayo, Kurt?!'' Galit na galit na sigaw ni Blake.

Napatingin ako sakaniya na ngayon ay namumula na sa sobrang galit.

Napaupo ako sa sahig at doon ako humagulgol ng humagulgol.

''Kylie,'' Tawag sakin ni Kiara at niyakap ako.

Niyakap din ako ng iba at ako naman ay walang ibang ginawa kundi umiyak.

Campus QueenWhere stories live. Discover now