Chapter 59

26.1K 713 116
                                    

Still Blake's Pov

"Bakit ngayon ka lang umuwi?!" Salubong ang kilay ni Liz ng binuksan niya ang pintuan. Kita ko ang namumula niyang mukha at ang mabigat na paghinga niya.

Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa loob. Naririnig ko ang pagngawa ng bata kaya agad akong pumunta doon sa kwarto.

She's a girl. And you can't deny that Liz is the mother. Magkamukhang magkamukha sila.

"Lianna, hush now. I'm here.." Alo ko sakaniya at binuhat siya.

Hindi pa din matigil ang pagiyak niya at napatingin ako sa bandang hita niya. And I suddenly cuss when I saw a bruise there.

"Shit!" Mura ko at pinatigil siya sa pagngawa.

Kulay violet ang pasa ni Lianna. Halatang nasasaktan ang bata dahil sa pasa na iyon. Ilang minuto pa akong nanatili doon para mapatulog siya. Nang nakatulog siya sa bisig ko ay agad ko siyang hiniga siya sa crib niya.

Yes, she's already 2 years old pero sa crib pa din siya. Okay naman na ang kwarto niyang 'to. May kama, closet at iba pang gamit and girly stuffs. Pero kapag ako ang nandito, I want to put her in her crib instead on her bed.

Inayos ko ang pacifier niya at pinayakap sakaniya ang unan niya. Nahagip nanaman ng paningin ko ang pasa niyang iyon sa hita niya. Muling umigting ang panga ko at lumabas na sa kwarto niya.

Hinanap ko si Liz sa buong bahay na iyon. Kahit na nagalit sakaniya ang parents niya ay pinagawan pa din siya ng bahay na ganto kalaki. Kahit 20 years old na siya, she's still acting as if she's still a teen ager.

"Oh my god, really? Okay. I'll be there later." Narinig ko iyong pamilyar na boses na iyon. Agad kong tinahak ang daan papunta sa balkonahe. And I saw her there, may kausap siya sa kaniyang telepono.

"Give me 1 ho--" Agad kong inagaw ang telepono sakaniya. Kita ko ang gulat na bumakas sa kaniyang mukha. "What the hell, Blake?! May kausap ako!" Inis niyang sabi at akmang kukunin ang cellphone niya ng inilayo ko ito sakaniya.

"I'll give this damn phone back to you when you explain the bruise of Lianna!" Galit kong sigaw sakaniya.

I saw her stunned for a second. Halos marinig ko na ang kalabog ng dibdib niya.

"I-it wasn't m-me!"

Napasinghap ako sa kasinungalingan na lumabas sa bibig niya.

"Hindi ako nakikipagbiruan." Sabi ko at hinigpitan ang pagkapit sa braso niya.

Kita ko sa mata niya na nasasaktan siya dahil sa paghawak ko.

"A-aray, Blake! Bitawan mo ko!"

"Bibitawan kita sa oras na sinabi mo ang dahilan! How many times should I say to you na habaan mo ang pasensya mo? Anak mo 'yun Liz for pete's sake!"

"Anak NATIN!"

Tumikhim ako at pinasadahan ang buhok ko gamit ang palad ko. Kahit kailan, hindi nagbago ang pagpipilit niya na ako ang ama ni Lianna.

Tinignan ko siya at nakita kong may namumuong luha na sa mata niya. Eto nanaman tayo..

"Why are you denying that Lianna is your daughter? Blake, ikaw ang ama ni Lianna!"

"Liz stop this shit!! Kahit kailan walang nangyari satin at hindi mangyayari 'yun! Lianna is not my child! Hindi paba sapat sayo na ako na ang tumatayong ama niya?! Ang dami kong sinakripisyo para lang sa buhay ni Lianna! Don't make your daughter believe that I am his father! Ako lang ang tumatayong ama niya, Liz. Hindi pa ba sapat iyon?"

Campus QueenWhere stories live. Discover now