Chapter 12

24.3K 734 7
                                    

Blake's Pov

Ilang oras na ang nakalipas at wala pa din si Kylie. Lumabas na kaming magbabarkada pero naiwan muna si Ericka at Jai. Dumiretso kami sa cafeteria. Nakita ko naman doon si Max at si Paulo. Mga officers din 'tong mga 'to.

Nilapitan ko ang grupo nila na nagtatawanan.

''Max,'' tawag ko kay Max.

Napatingin naman silang lahat saakin.

''Oh, Blake, bakit?'' Tanong nito sakin.

''Asan si Kylie? Wala pa din siya e.''

''Ha? Nagpaiwan sa Office e. Susunod na lang daw siya. Niyayaya nga namin pero sabi niya mauna na daw kami kasi panigurado daw gutom na kami.'' Aniya.

Nagsimula akong kabahan.

''Sige, salamat.'' Sabi ko sakaniya at pumunta na sa barkada.

''Oh, tol, asan daw si Kylie?'' Tanong sakin ni Bryan.

''Nagpaiwan daw sa office e. Teka tatawagan ko.'' Sabi ko sakanila at dinial ang number ni Kylie.

Walang sumasagot. Nakailang tawag ako ng biglang nakita ko sila Ericka na papunta saamin.

''Blake, naiwan ni Kylie phone niya.'' Sabi niya saakin.

''Shit.'' Mura ko at tumayo.

''Tol, san ka pupunta?'' Tanong ni Ian sakin.

''Hahanapin ko si Kylie.'' Sabi ko sakaniya.

''Sama kami.''

Tumango na lang ako at hinanap na si Kylie. Naghiwa-hiwalay kami. Nilibot namin ang buong school at kahit na narinig naming nagbell na ay hindi pa din kami bumabalik sa room. Shit, Kylie, where are you?!

Nang magkitakita kami sa Cafeteria ay nakita kong umiling sila.

''Wala , tol, e.'' Sabi saakin ni John.

Napamura ako ng ilang beses ng may naisip akong isang lugar.

''Diyan lang kayo.'' Sabi ko sakanila.

Narinig kong tinatawag nila ako pero hindi ako lumingon. Dumiretso ako sa Office ng SSG at pinihit ang door knob noon ngunit hindi ko mabuksan.

''Fucking shit.''

Narinig ko ang mga takbo na papunta sa gawi ko kaya napatingin ako at nakita ko sila John.

''Ano tol? Nandiyan ba siya?'' Tanong nila saakin.

''Hindi ko alam. Nakalock 'tong pinto e.''

''Imposibleng ilock 'yan nila Max. Alam naman nilang nandiyan pa si Kylie e.'' Doms.

Pilit kong binuksan ang pinto ng tawagin ako ni Kinah.

''Blake! Eto 'yung susi oh. Mukhang nalaglag nung naglock kay Kylie,''

Kinuha ko agad 'yun sa kamay ni Kinah at agad binuksan ang pinto.

Binuksan ko ang switch pero ayaw. Lumabas ako at tinignan ang kuryente sa labas. (A/N: Sorry po hindi ko alam tawag dun e. Huhuhu TT.TT)

Nakapatay! Binaba ko iyon sa on at pumasok ulit sa Office. Pumasok ako pati na din sila Ian. Tumingin ako sa sulok at nakita ko doon si Kylie na yakap yakap ang tuhod niya.

Tumakbo agad ako sakaniya at niyakap siya.

''Baby,'' Tawag ko sakaniya.

Yumakap siya pabalik at umiyak siya ng umiyak sa balikat ko.

Campus QueenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ