Chapter 36

28.3K 823 220
                                    

SORRY HINDI AKO NAKAPAGUD NG ILANG WEEKS AT KAGABI. SANA MAKABAWI AKO. Thankies! Mwa :*

Kylie's Pov

"GARCIA!!!" Sigaw ko kay Blake na kasalukuyang tinatawanan ako.

Halos mamatay na siya kakatawa dahil maluha luha na siya at nakahawak na siya sa tiyan niya.

"Wait, the h--eck! Hahahahaha!" Patuloy nyang pagtawa.

Sinimangutan ko siya. Tinanggal ko ang sapatos ko at binato siya.

"Ouch!" Angal niya ng matamaan siya sa ulo. Ngunit patuloy pa din ang tawa nga hinayupak na 'to!

"Will you please stop laughing?!" Inis kong sigaw sakaniya.

"What? Kasalanan ko bang makita ko 'yung video mong sumasayaw ka ng lasing ka?" Tawa niya. "Mukha kang uod, by!" Asar niya.

Halos mamilog ang mata ko. Bwisit naman kasi talaga si Kuya!! After kasi ng game nagkayayaan uminom. Ayoko naman talagang uminom pero sabi naman ni Kuya nandun naman daw siya para alalayan ako. Eh lintek! Inalalayan nga ako, pero pinagtripan naman muna ako!

Tinignan ko siya ng masama at tinalikuran ko na siya. Bwisit siya! Bahala siya dyan!

"Uy! By! Hahahaha!"

Hindi ko siya pinansin imbes ay naglakad na ako papunta sa likod ng School nang maalala kong wala nga pala yung isa kong sapatos!

Bumuntong hininga muna ako bago ako bumalik sa pwesto ni Blake na tawa pa din ng tawa. Srsly? Ano pa bang tinatawa nito?!

"Hi by! Sorry na." Patuloy sa tawa niyang sabi.

Umirap ako sakaniya at kinuha ang sapatos kong nasa gilid niya. Sinuot ko iyon at naglakad ng muli.

Pumunta ako sa likod ng school ng nakasimangot. Nakita ko sila Jhersel doon na masayang naguusap habang sweet sa isa't isa. Umirap ako at umupo sa tabi ni Doms na nagbabasa.

"San si Ethan?" Tanong ko sakaniya.

"Umalis sila ni Ian. Bumili atang pagkain." Sabi niya.

Tumango na lang ako at tumingin na kila Jhersel.

Maya maya ay nakita ko si Blake na palakad dito. Seryoso na ang mukha niya hindi katulad kanina.

"Hi by!" Bati niya agad sakin ng makita niya ako at ngumiti siya ng napakalapad.

Inirapan ko siya. Nakita kong nagpout siya at aambang lalapitan ako ng inambahan ko siya ng suntok.

"'Wag kang lalapit. Nakikita mo 'to?" Pakita ko sa kamao ko, "Isusuntok ko 'to sayo." Seryoso kong sabi.

Tinaas niya ang dalawa niyang kamay sign of surrendering.

"Uh oh, I smell a fight." Sabi ni John.

"Oops, I'm sorry, okay?" Sabi niya.

Nilapitan niya ako at hinawakan niya ang kamay ko, "I'm sorry. I didn't mean to offend you. It's just that..." Nakita kong tatawa na siya kaya tinignan ko siya ng masama. Napatigil naman siya at nagseryoso ng muli ang tingin niya saakin, "I just can't help it. Masiyado akong natutuwa."

Ngumiti siya saakin, "It mades my day, you know." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.

"Ano 'yan ha?!" Panira ni Ian sa moment namin.

Tinignan siya ng masama ni Blake, "Epal." Sabi niya kay Ian.

"Lul." Sabi ni Ian at tumawa sabay kain na.

Umupo si Blake sa tabi ko dahil tumayo na si Doms para makikain.

Ilang minuto din kaming tahimik. Ewan ko, ang weird bigla. Kanina ang hyper niya tas ngayon napakaseryoso niya na.

Campus QueenWhere stories live. Discover now