Chapter 67

31.3K 746 133
                                    

"Manang, alis na po ako!" Paalam ko kay Manang pagkatapos kong kumain.

"Osige, magiingat ka ha." Paalala niya sakin kaya tumango ako at ngumiti.

"Salamat po."

Lumabas na ako ng bahay at akmang pipindutin na ang susi ng sasakyan ko ng may nakita akong familiar na sasakyan sa labas.

Yung baby chevy ni Blake! After two years? Hindi niya pa din pinapalitan?

Lumabas ako at halos malaglag ang panga ko ng makita ko si Blake na nakasandal sa gilid ng sasakyan niya habang may hawak na bouquet. Yeah right, masyadong common pero kinikilig pa din ako. Kahit simpleng porma lang talaga ay hindi mo na maiiwasang hindi alisin ang tingin sakaniya.

"Bakit ka nandito?" Salubong na tanong ko sakaniya.

"Wala manlang bang Goodmorning muna?" Tanong niya at umiling habang nakasilay ang mga ngisi sa labi niya.

Umirap ako. "Just answer my question, Garcia."

"As your suitor, my responsibility is to fetch you and drive you to your destinations." Sabi niya at lumapit saakin. "Goodmorning, anyway. Flowers for my one and only." Aniya at nilahad ang mga bulaklak.

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Ugh!

"I can use my car." Sabi ko sakaniya.

"Nope, baka may mangyari pa sayo. I can't take it when that happens."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya at pumasok ulit sa bahay para ilapag ang bouquet na binigay niya. Actually, doon ko siya sa kwarto ko nilagay.

Paglabas ko ay pinagbuksan ako ni Blake ng pintuan ng sasakyan niya. Sumakay naman agad ako at siya naman ay umikot para umupo sa driver's seat.

"Kinda nervous?" Tanong niya saakin habang nakatuon pa din ang mga mata sa kalsada.

"Oo, I know this feeling is normal. Pero hindi ko maiwasang hindi kabahan. This is my first time!"

Tumawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sumulyap siya saakin saglit at hinawakan ang kamay ko.

"You can do it. Ikaw pa ba?" Sabi niya at binigyan ako ng ngiting nakapagpagaan ng nararamdaman ko.

Ilang minuto din ang lumipas bago kami makadating sa company namin. Buong byahe pilit pinapagaan ni Blake lalo ang pakiramdam ko.

"Breathe in breathe out, baby." Sabi niya kaya ginawa ko naman yun.

"I need to go." Sabi ko sakaniya habang tinitignan ang mga empleyado ni Daddy na naglalabas pasok sa loob ng building.

"I'll fetch you later, okay?"

Tumingin ako sakaniya at ngumiti. "Okay. Ayusin mo trabaho mo ha! Makikipagusap ka lang sa mga babae pero hindi mo sila yayayain ng date." Sabi ko sakaniya at dinuro siya.

Humalakhak naman siya at tinaas ang dalawa niyang kamay. Juskopo! Kung ganito ang preso mo, panigurado kahit sa loob ng kulungan sumama kana.

"I'll work hard for us. For out future. Wait, sounds like a girlfriend, huh?" Sabi niya at sumilay ang ngiti sa labi niya.

Naramdaman ko ang pagiinit ng pisngi ko. Yeah right, I want everything back. I want us again. Pero hindi ito ang oras. Maybe I'll talk to him about this kapag free time.

"I'm going. Bye." Sabi ko at lumabas ng pintuan.

"Bye, my one and only! See you later. I love you!" Aniya at nagpalipad pa ng flying kiss.

Kinagat ko ang labi ko bago iwagayway ang kamay ko senyales ng paalam.

"I love you too." Sabi ko.

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon