Chapter 44

28.1K 775 436
                                    

Kylie's Pov

It's already 6pm. May dinner date kasi kami ng buong family and I asked kung pwede ako magsama. Pwede naman daw kaya sinama ko na si Jules. Oo nga pala, hindi pa nila alam na wala na kami ni Blake except kila Kuya dahil nawitness nila yung sa kagabi. Sila Daddy at Tita na lang ang hindi pa nakakaalam dahil sa panay ang out of the country nila.

''WAAAAAAAAAAAAH!'' Sigaw ko. Anong sasabihin ko kapag nagtanong sila? Na wala na kami kasi sabi niya nafell out of love siya pero ngayon naghahabol na? Ganun ba?

Sakto namang may nagdoorbell kaya bumuntong hininga muna ako. Baka si Jules na 'yan.

''Calm down, Kylie, okay?'' Sabi ko sa sarili ko bago buksan ang pinto.

''Oww, you look gorgeous, Leley.'' Sabi niya at kinindatan ako.

Yeah, leley. Leley came from my name 'KyLEY' kahit 'Lee' ang banggit dun ginawa niya pa ding 'Ley' daming alam eh no?

Tinalikuran ko siya at bumalik sa salamin. Meron akong salamin dito sa sala eh.

I walked back and forth. Ugh! Kinakabahan ako. Bakit kasi hindi ko naisip 'yun?

''Huy! Bakit ba lakad ka ng lakad diyan? Nahihilo ako sayo eh.'' Sabi niya sabay hila sakin paupo.

Pinaglaruan ko naman ang kamay ko. ''Kasi ano... a-ano...''

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko then he intertwined it.

''Kalma. Do our routine.''

Tumango ako at pumikit sabay bumuntong hininga pagkatapos ay dumilat ako nakita ko naman si Jules na nakangiti sakin. Ehhhh, why so pogi? >/////////////<

''Now, spill.'' Sabi niya at sumandal pero hindi pa din binibitawan ang kamay ko.

''Hindi ko alam kung anong sasabihin ko mamaya kapag nagtanong sila kung bakit hindi si Blake ang kasama ko. Kinakabahan ako."

Narinig ko ang pagtawa niya kaya napalingon ako sakaniya at hinampas siya. Aba bwisit 'to!! >__<

"Don't worry, I'll handle it." Sabi niya at kinindatan ako sabag akbay sakin.

Yeah, ganiyan siya. Minsan naiilang ako kaya tinatanggal niya agad. Pero naiintindihan niya naman 'yun. Jules is a sweet guy. Gentleman and sometimes funny. Hindi maiaakilang madaming nagkakagusto dito.

*Bzzt Bzzt*

Napatingin naman kami ni Jules sa cellphone ko. Kinuha niya 'yun at inabot saakin.

From: Vanessa

- Hoy panget! Let's go na. Nandito na ko sa parking lot. Sinundo na ko ni Kurt. :)

THE WHO?! Napatayo ako sa nabasa ko.

"Hoy, bakit? Nakakagulat 'to tumatayo bigla bigla." Sabi ni Jules at tumayo na din.

He looks good on his outfit. Sky blue polo and his jeans. Tapos ay chuck taylor sa sapatos. Simple yet para siyang model dahil sa kakisigan at kagwapuhan nito.

"Ehem. Matunaw ako niyan." Sabay tawa niya.

Dun lang ako natauhan. Shocksss! Natulala ako sa harap niya! "A-ang kapal ng m-mukha mo!" Sabi ko at hinampas siya.

"Eh natutulala kana eh. Anong text ng ate mo at napatayo ka diyan?"

Si Kurt. Teka nga! Baka kapangalan lang Kylie. 'Wag ka ngang OA!

"Ah wala wala. Tara na? Nandun na daw date niya eh. Nasa parking lot na sila."

Tumango naman siya at hinawakan ang kamay ko at lumabas na kami. Nilock ko ang unit ko at bumaba na. Gaya gaya talaga 'tong si Vanessa! Narinig niya kasing pumayag sila Dad na magdala ng kasama nagsama na din siya at yung Kurt pa na 'yun ~_~ sino kaya 'yun? I'm curious!!

Campus QueenWhere stories live. Discover now