Chapter 11

32.6K 793 33
                                    

Dedicated sakanya kasi sakanya ko nakuha 'yung Idea na lahat ng Officers may laptop. :) hi ate Denny!

Pagpasok ko agad sa room ay nakita ko agad ang barkada na naguusap-usap. Nilagay ko na ang bag ko sa upuan ko at umupo na. Palibhasa magkakatbi kaming magbabarkada kaya nasama ang upuan ko sa kung saan sila nakapalibot.

''Kinukulit ka pa ni Jade, tol?'' Tanong ni Ian kay Jhersel.

''Ha? Hindi na. Ayos na din 'yun para wala ng kumukulit sakin araw araw.''

''Alam mo, dapat iniintindi mo na lang 'yun e. 14 years old anong aakalain mo sa ganung edad? Syempre may pagka-childish pa din 'yan. Pero babae pa din 'yan, dapat hindi mo pinapaiyak at sinasaktan.'' Payo ni Bryan kay Jhersel.

Kumunot naman ang noo ni Jhersel kay Bryan.

''Childish. Yeah she's childish. Kaya nga ayoko sakaniya dahil dun. Ayokong sabihin ng ibang tao na pedo ako.''

''Still, you should respect her. Understand her being a minor.'' Ethan.

''Nah, I can't. Hayaan niyo na nga 'yun. Bakit niyo ba pinagtatanggol?'' Inis na sabi ni Jhersel.

''Hindi namin siya pinagtatanggol. Sinasabi lang namin sayo 'to kasi nakakaawa naman si Jade.'' John.

''Guys, hayaan niyo na si Jhersel. Ayaw niya e, 'wag niyo ng pilitin.'' Pagtatanggol ni Ara kay Jhersel.

''Oo nga. Kita niyong nandito na 'yung taong mahal ko e. Pinipilit niyo pa ko sa iba at worst sa mas bata sakin.'' Sabi ni Jhersel at inakbayan si Ara.

Kita ko naman ang pigil na ngiti ni Ara. Yes, sweet sila pero hindi pa sila. Nanliligaw pa lang sakaniya si Jhersel. Ewan ko nga dito kay Ara at hindi pa sinasagot si Jhersel. Bilib naman ako dito kay Jhersel dahil hindi siya sumusuko kay Ara.

''Ay sus. Sagutin mo na kasi Ara.'' Kantyaw ni Doms sakaniya.

''Oo nga. Bakit ba ayaw mo pang sagutin?'' Tanong ko sakaniya.

Hindi umimik si Ara at sakto naman na dumating na si Ma'am. Umupo na kami ng ayos at nagsimula ng magdiscuss si Ma'am.

Nasa kalagitnaan ng pagd-discuss si Ma'am ng biglang tumunog ang speaker ng University.

''Paging the SSG Officers. We have a meeting. Please proceed to our SSG Office now.''

Tumingin naman saakin ang barkada. Haaay, ako kasi ang Secretary ng SSG at si Vanessa naman ang muse namin.

''Ms. Dela Vega and Ms. Santiago, you two are excused.'' Sabi saamin ni Ma'am.

Nagkatinginan naman kami ni Vanessa. Inirapan ako nito at nauna ng lumabas. Bwisit! Sakalin ko siya e.

''Text me when your meeting is finish, okay?'' Sabi saakin ni Blake.

Tumango naman ako at tumayo na.

''Text mo lang kami kapag kailangan mo ng back up ha? Jojombagin agad namin 'yang si Vanessa.'' Sabi saakin nila Ericka.

Tumawa naman ako. ''Mga loka loka talaga kayo.'' Sabi ko sakanila at lumabas na.

Pumunta naman na ako sa Office ng SSG at nakita kong nandun na ang lahat pwera sakin.

''Hay salamat. Nandito kana din sa wakas. Nakipagchismisan ka pa kasi sa mga cheap mong mga kaibigan.'' Sabi ni Vanessa sakin ng makita niya kong pumasok dito sa Office.

Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta sa locker ko dito at nilabas ang laptop ko. Lahat kasi ng officers ay bibigyan ng kaniya-kaniyang laptop para sa mga gantong eksena.

Campus QueenWhere stories live. Discover now