Chapter 58

25.3K 792 268
                                    

Mga ate, nawalan po ako ng gana sa ibang comments last chapter. Sobra sobra po kung magreklamo. May isang comment pa po dun na inuutusan na ko magUD at ang dami pang exclamation point. Nakakawalang gana po talaga magtype. Kung akala nyo po, ganun kadali magud. Hindi po. Gusto ko po kasi matuwa o effective ang bawat scene para sainyo. Yun lang po.

"Santiago Kylie Michelle!"

Nilingon ko ang malakas na sigaw na iyon at binaba ko bahagya ang shades ko. Pumaskil ang malapad na ngiti sa mukha ko at lumapit ako sa salamin.

May sinasabi sila ngunit hindi ko maintindihan ng bigla akong hatakin ni Vanessa.

"Para kang tunog ng kampana. Tanga lang tanga lang tanga lang? Pano ka maririnig eh nakaharang yung salamin?" Sabi niya at umirap bago mangunang maglakad.

Nagmake face ako sakaniya at naglakad na din. Awkward because of the attention. Halos nakatingin samin ang lahat ng mga nagsusundo.

Nagmadali akong pumunta sa pwesto nila at halos matisod tisod na ako pero agad ko silang sinalubong ng yakap.

Grabe, I missed them so much!

"Bruha ka!" Mangiyak ngiyak na sabi nila Kinah at tinignan ako.

"You've become more sexier than before." Sabi ni Ara at hinawakan ang buhok ko. "Octopus cut?" Tanong niya at tumango ako.

"Ang ganda mo!" Nangggigil na sabi ni John sakin at inakbayan ako.

Tumawa ako at siniko siya. "Sira." Sabi ko at tinaas ang shades ko.

Hinila nila Jhersel ang maleta ko pero si John, Ian at Ethan nasa magkabilang gilid ko.

"Ano ba para kayong sira!" Sabi ko sakanila habang naglalakad na kami palabas.

"Ang prinsesang tulad mo ay dapat bantayan." Sabi ni Ian at kinindatan ako.

"Luh sya oh?"

Umakto naman si Ian ng parang nasaktan ang dibdib.

"Aray. Nambabarag kana." Malungkot niyang sabi.

"Asus ang tampuhin. Sorry na.."

Ngumiti siya at kumindat sakin bago ako akbayan. Tinignan ko naman si Jai at tumawa lang siya sakin.

Lumabas na kami at dalawang van ang nakaparada doon. Namilog ang mata ko ng makita kong nakapaskil doon ay tig isang tarpaulin na katamtaman lang ang laki. Tig isan picture kami ni Vanessa doon at may nakalagay na 'Welcome back!'

"Grabe kayo." Sabi ko at tumawa.

Binuksan na ni Jhersel ang pinto ng van at laking gulat ko ng makita doon si Blake na nakasandal ang ulo sa upuan at nakapikit habang nakasalpak ang earphone sa tenga.

Nothing changed. Ganun pa din siya. His scent. His style. Walang nagbago.

Hinatak ni Ethan ang earphone sa tenga niya at kita ko ang pagkabigla niya.

"What the fu--" Napatigil siya ng makita ako. "Ow, hey, welcome back." Ngiti niya at umayos siya ng upo.

"Magmumura pa e." Iling ni Bryan at pinapasok na sila Ara.

Sila Jhersel, Bryan at John sa pinakalikod. Sa gitna naman ay si Ara, Ethan at Doms. Sa harap naman ay ako, si Jules at Blake. Yung iba doon sa isang van.

Umayos ako ng upo at tinignan si Jules na tahimik sa tabi ko.

"Hey, kanina ka pa tahimik. What's the problem?" Tanong ko sakaniya.

Umiling siya at nginitian ako. "Wala. Pagod lang siguro. Ikaw? Inaantok ka?" Tanong niya din sakin kaya tumango ako.

"Oo." Sabi ko at isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya. Ngumiti ako at niyakap ang braso niya.

Campus QueenWhere stories live. Discover now