Chapter 41

27.7K 782 177
                                    

Pagkatapos naming bayaran 'yung libro ay niyaya ko si Jules na umuwi na. Nawala ako sa mood kaya buong byahe ay ang tahimik ko.

"Can you... can you please don't think about him? Ako 'yung kasama mo eh. It sounds rude kapag iba ang iniisip mo habang ako 'yung kasama mo." May bakas na lungkot sa boses niya kaya ngumiti ako sakaniya.

"I just can't control it. Even I let him go, alam natin na mahal ko pa din siya kaya hindi ko maiwasan."

Hinawakan niya ang kamay ko, "Kaya nga nandito ako eh. I'm helping you."

Hindi na ako kumibo. Ang swerte ng magiging girlfriend nitong lalaking 'to.

Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa paguwi. Hindi ko na nga natext si Vanessa na pauwi na ko.

**

Pasukan na nila Jai kaya wala na akong makasama sa galaan. Si Vanessa naman ayun, umalis. Siya naman daw ang gagala.

To: Jules

- Hoy.

- Panget.

- Kulit.

- Baliw.

- Monggs.

- Ang tagal magreply -.-"

- BOOM! Sabog ang inbox. Hahaha!

Magt-type pa sana ako ng magvibrate phone ko at lumitaw ang pangalan ni Jules. Hahahaha!

From: Jules

- What? Ang kulit mo ah. Kakatapos ko lang maligo.

To: Jules

- I'm bored~ san ka punta?

From: Jules

- Aayusin ko papeles ko. Can you come with me?

To: Jules

- Sure! Give me 1 hour and 30 minutes.

Pagkasend ko nun ay tumayo na ako. Yep, almost 2 hours bago ako matapos magayos kapag weekends o walang pasok. Nagvibrate bigla ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagtext. Si Jules ulit.

From: Jules

- No. 30 minutes lang :P faster.

Whaaaaaaaaaaat? 30 minutes? Naliligo pa ko nun eh! :(

From: Jules

- No but's. Go! Bilisssssss!

Sinimangutan ko yung phone ko at binelatan. Kainis! Hindi pa tanggal 'yung dumi ko nun eh :(

Nagmadali akong maligo. 15 minutes lang ay tapos na ko. Hindi tuloy ako komportable. >_< pagkatapos ay naghanap ako ng masusuot ko.

Bandang huli ang napili ko lang ay white crop tapos ay fitted jeans with matching silver na doll shoes tapos ay denim na jacket.

Habang nagsusuklay ako ay may nagdoorbell. Si Jules na 'yun!

Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si Jules na nakawhite din at ang pabango niya na axe na gustong gusto ko. Napatingin kaming dalawa sa kulay ng damit namin.

"Gaya gaya." Sabay naming sabi kaya natawa kami.

Binuksan ko ng malapad ang pinto at umupo sa sofa habang nagsusuklay.

Narinig ko ang pagsara ng pinto at umupo siya sa tabi ko. "I hate your top. Kita pusod. Change." Utos niya.

Tinignan ko naman siya at nakita kong nakasimangot siya sakin.

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon