Chapter 65

28.3K 780 100
                                    

"Asan yung t shirt ko na yun!" Inis kong sabi sa sarili ko pagkatapos kong maligo at magbihis.

7pm nang matapos akong maligo. Hinahanap ko kasalukuyan yung t shirt ko.

Lumabas ako sa kwarto ko ng hindi ko nakita kung nasaan iyon at nadatnan ko na nasa hallway na ang ibang barkada. Si Kinah naman ay palabas labas sa kwarto.

"Oy, ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko sakaniya.

"Wala lang. Lakad lakad lang." Tawa niya at muling pumasok tapos ay lumabas ulit.

Seryoso? May sapak ba 'to sa utak? Noon sa bahay ay nagpapagulong gulong siya tapos ngayon naman labas pasok sa kwarto?

"John! Nababaliw na ba girlfriend mo?" Tumatawang tanong ni ate Love kay John.

"Masaya siya diyan, ate, e. Minsan nga naiisip ko kung ipapamental ko na. Kaso ayoko namang mahiwalay sakaniya kaya 'wag na lang." Sabi ni John.

"Fuck-ibig!" Tawa ni Ian kaya umangat ang middle finger ni John sakaniya.

Tumatawang umuupo ako sa tabi ni Jules na ngayon ay nakatingala habang nakapikit.

"Inaantok ka pa?" Tanong ko sakaniya kaya napamulat siya at napatingin saakin.

"Hindi." Iling niya at hinilig ang ulo niya sa balikat ko.

Hinayaan ko lang siyang ganun hanggang sa napagdesisyunan kong tumulong. Kakain na kami e.

"Senyor, diyan ka lang po ba?" Tanong ko sakaniya habang nakapamewang sa harapan niya.

Tumawa siya at nilagay ang magkabila niyang kamay sa likuran ng ulo niya. Yeah right, biceps!

"Hmm, yes. Could you please get me some coffee?" Tumawa ako at sinipa bahagya ang tuhod niya. "Ouch! You shouldn't hurt your master." Iling niya kaya natawa ako lalo.

Tinalikuran ko siya at tumulong na sa pagaayos. Pabalik balik ako kung san nagluluto sila John. Nang sa wakas ay nalagay na ang huling ulam ay nagsidagsaan na sila.

"Grabe sila." Sabi ko sakanila at tumawa bago ilapag ang pitsel.

Paupo na sana ako ng hinila ako bigla ni Vanessa.

"It's time, guys!" Sigaw niya. "Excuse lang saglit. Hintayin niyo ko." Sabi niya at hinatak ako.

Kahit nagtataka ako ay hindi ko na magawang pumiglas pa. Gutom na ako! Naramdaman ko na lang na sumusunod si Lexis habang nakangiti. Napatingin tuloy ako sa barkada at nakita din sila nakangiti habang sila Kinah ay kinikilig.

"Enjoy, leley ko!" Narinig kong sigaw ni Jules kaya sinamaan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na kong nahatak nila Lexis sa kwarto.

Pinaupo nila ako sa kama nila Ara habang si Lexis ay may kinuha sa cabinet.

"Ano bang meron?" Nagtatakang tanong ko sakanila dahil hindi maalis alis ang nakapaskil na ngiti sa labi nila.

"Check the time, missy!" Lexis giggled.

Tinignan ko ang oras at nakita kong quarter to 8 na. Oh-kay? Yung kay Blake ba 'to?

Nilagyan ako ng foundation at blush on ni Lexis. Pagkatapos ay konting lipstick pagkatapos ay pinatayo niya ako.

"Magbihis kana. Dali!" Tulak sakin ni Vanessa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Tumawa lang silang dalawa ni Alexis at pumasok na ako sa CR.

Mahaba sa likod nito ngunit sa harapan ay maikli. Kulay blue ang sa taas pero pagdating sa mahaba ay kulay red na ito.

"Kulang na lang white. Para philippine flag?" Tawa ni Vanessa kaya binatukan siya ni Lexis.

Campus QueenWhere stories live. Discover now