Chapter 52

29.3K 805 93
                                    

"Class dismiss.."

Nang marinig ko ang mga katagang iyon ay agad akong tumayo at naglakad palabas. Absent si Blake sa lahat ng klase. And it's been 2 weeks since that happened. Wala pa ding nagbababa ng pride saaming dalawa.

"Wassup, ley!" Sabay akbay sakin ni Jules na ikinagulantang ko.

"What?" Tanong ko sakaniya.

"Tara."

Tinanggal ko naman ang pagkaakbay niya saakin at nagcross arms.

"At saan naman tayo pupunta?" Nakataas na kilay kong tanong sakaniya.

"Mall. Ilang weeks ka ng ganyan e. Tara na! 'Wag ka ng umangal." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Hinayaan ko lang siya. Sa loob ng two weeks, sinusubukan akong icheer up ng mga 'to. Si Lexis at Vanessa sa bahay kung ano anong kacornyhan ang ginagawa mapatawa lang ako. Tumatawa naman ako. Anong kala nila sakin? -_-

Pero etong si Jules, umaga hapon gabi tinetext ako kung kumain na ba ko. Kung ayos lang ba ko at kung ano ano pa.

Concern. 'Yan lang ang masasabi ko sakaniya. Ideal guy talaga. :)

"Get in, madam." Tawa niya at pinagbuksan ako ng pinto.

Umiling na lang ako at ngumiti sakaniya at pumasok na sa loob. Sinara niya naman iyon at umikot para makapasok din.

Buong byahe tahimik kami. Ako, iniisip ko si Blake. Siya? Ewan ko. Mukhang malalim din ang iniisip e.

"Galaw galaw huy!" Pambabasag ko ng katahimikan.

"Sorry, gutom ka ba ley?"

Pinakiramdaman ko naman ang tyan ko. "Medyo."

"Sige. Kain muna tayo."

Tumango na lang ako at nagpark na siya. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ko imbes lumabas na agad ako.

Naglakad na kami papasok sa loob ng mall. Naramdaman ko na lang na inakbyan niya ako.

"Daming tumitingin sayo. Yari ako kay Blake kapag may nangyari sayong masama." Sabay nag-'tsk' siya.

"Don't mention that name. Masaya siguro siya ngayon kasi malaya siya. Hayaan mo na nga." Irita kong sabi pero nahagip pa din ng mata ko ang pagngisi niya.

What's with that smirk?

Pumasok na kami sa loob ng restau. at nagorder na kami. Habang naghihintay kami ng order namin ay nakatingin lang ako sa labas.

"Hindi pa din talaga siya nagtetext or chat manlang sayo?"

Tinignan ko si Jules ng masama at nakita ko siyang nakahilig sa upuan niya. Nakataas ang buhok niya ngayon. At yung hikaw niyang black ay mas lalong nagpapagwapo sakaniya.

"I said don't mention him."

"Minention ko ba? Wala naman yung pangalan niya dun ah? 'Siya' nga 'yung ginamit kong term." Sabay iling iling niya. "Halatang masyadong inlove,"

Tinandyakan ko siya sa paanan kaya napa-aww siya.

"Wala ni isang text. Ni like or favorite manlang sa tweet and posts ko wala." Napakagat labi ako sa inis.

"Sabi sayo e, sakin kana lang kasi." Halakhak niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil dumating ang waiter at nilapag ang order namin. Yummy~

"Baliw. Pero tbh, your my ideal guy." Ngiti ko sakaniya at pinunasan ang spoon and fork ko.

Humiwa ako sa meat at sinubo iyon. Sarap!

Campus QueenWhere stories live. Discover now