Chapter 63

27.2K 732 117
                                    

Paulit ulit iyon sa utak ko. Ayoko ng paniwalain ang sarili ko na walang pag asa. Ayoko ng ipilit pa ang mga bagay na alam ko namang hindi totoo.

"Blake, tama na. Kung totoo man 'yang sinasabi mo itigil mo na. May pamilya't may anak kana. 'Wag mo na silang lokohin pa."

Napasabunot siya sa buhok niya at tinignan ako. Frustration filled all over his face.

"Santiago what the hell are you saying?! Wala akong sariling pamilya at higit sa lahat wala akong anak!"

Namilog ang mata ko. Kasabay noon ang pagbuhay ng galit sa dibdib ko. Dinedeny niya pa?

"Pwede ba! Stop denying the truth! Nakikita ko lahat Blake! Ngayon mo pa idedeny?" Galit kong bigkas sakaniya.

Tumawa siya ng sarkastiko. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"I'm not her father! Ako lang ang tumatayong ama dahil pagkatapos mabuntis ng gagong lalaki iyong si Liz ay iniwan na siya!" Habol hininga niyang sabi. "Sometimes you shouldn't believe on what you only see, explanations are also important."

Ayan nanaman. Ayan nanaman ang salitang explanation! Eto nanaman ba?

"Kaya hindi mo alam ang dahilan ko noon, Kylie. Hindi mo alam dahil hindi mo ko hinayaan. Hindi mo alam dahil kahit kailan, hindi mo sinubukang alamin."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niyang iyon. Ganun ba kamali ang desisyon ko noon na 'wag siyang pakinggan? Did it made things more worst?

"Anong pinaparating mo ngayon? Na alamin ko? May mababago ba sa katotohanan na siya ang pinili mo?" Sinubukan kong maging matigas ang boses ko.

"Meron, Kylie. Kung hahayaan mo lang ako."

Umiling ako at napangisi pa ng hilaw.

"It won't change everything. You chose her. You left me." Ayun ang sinabi ko bago maglakad.

"Sinubukan niya ulit sumunod sayo pero hindi niya magawa dahil nakasalalay dito si Lianna."

Out of nowhere, lumitaw bigla sa isip ko iyong sinabi ni Jai.

Paulit ulit. He tried to follow me. Sinubukan niya pero hindi siya natuloy dahil kay Lianna.

Ngayon nalilito na ako. Bakit dahil kay Lianna? Anong kinalaman niya dito?

"It's Blake who should explain that. Sana hinayaan mo siyang magexplain noon, edi sana ayos pa kayo ngayon."

Napabuntong hininga ako. Tama na ang pagiging matigas, Kylie. Kailangan mong alamin ang totoo. Kahit matagal na, sige.

Hihintayin ko yung oras na iexplain ni Blake lahat. Hihintayin ko kung ano ang totoo.

**

Ilang araw na ang lumipas. Pero puro tanong ang nasa isip ko lagi.

Walang ginagawang aksyon si Blake upang maniwala ako sa mga sinabi niya. Wala ni isa.

"Dun ako sa balsa!" Prisinta ko ng makakita nun.

Nandito kami sa isang part ng Coron kung saan puro matatayog na bato at sa gitna ay clear blue na tubig.

Naglakad ako patungo doon sa balsa at umupo. Kita ko ang barkada na ngayon ay nagpapalit ng kaniya kaniyang swim wear.

Impit na tuwa ang lumabas sa bibig ko. Ang saya!

"Kylie! Be careful!" Sigaw saakin ni Lexis.

Tumango lang ako at nagthumbs up. Kinuha ko ang sagwan na nasa gilid at akmang ilulublob na iyon sa tubig ng biglang umabante ang balsa.

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon