Chapter 49

23.3K 664 63
                                    

"O-okay.." Ayan lang ang tanging nasabi ko kay ate Love.

Sila Jaima ay gulat na gulat sa narinig.
[Narinig ko 'yan sakaniya once. I think last month bago magchristmas vaca. Wait, hmm...] Parang may naiisip siya. January na kasi ngayon, sembreak pa. Nung birthday ko at 2nd anniversary namin ni Blake? Napakasaya. Pero yung saya na naramdaman ko ng mga araw na 'yun ay 'yun din naman ang sakit na nararamdaman ko ngayon. [Aha! Christmas party! May nakasagutan siyang babae nun. And the girl called her na ahas at mahilig magthird party. Nagalit siya ng bongga nun then she announced that day na she's three weeks pregnant from Blake.]

"Kelan ba christmas party niyo nun?" I tried to make my voice firm. Pero tinraydor ako dahil nagcrack nanaman muli ang boses ko to make me cry again.

[December 2. Pinaagahan ng Tita mo kasi naging hecticbang sched for the exams.]

December 2... November 14 dumating si Blake dito. Oh my god!

[But Kylie, hey, calm down. Knowing Liz? Desperado lang 'yun ng sobra kaya niya nasabi 'yun. Baka nga hindi totoong buntis siya eh.] Sabi ni Ara saakin.

[Oo nga. Kalma lang. Kasi nung nakita ko siya, hindi talaga halatang buntis siya. Well, syempre hindi talaga muna mahahalata dahil kung sakaling buntis man siya, napakaliit pa ng tyan niya. Pero don't worry, since that day na she announced she's pregnant from Blake, we started stalking and invistagating her. Of course with the help of the boys.] Kindat sakin ni Jai kaya napangiti ako.

"Thank you guys. But I'll talk to Blake about this. Hindi pa din ako makampante eh."

Nginitian naman nila ko. [We understand you. But don't let yourself stress about that b*tch. Kami na ang bahala sakaniya. May mga alagad ka dito sa pinas no!] Tawa nila kaya napangiti ako.

"I'm so lucky to have you guys. I love you all." Ngiti ko sakanila at pinahiran ang luha na tumutulo.

[You know that we love you too girl. Kami na ang bahala kay Liz. Ikaw na kumausap diyan sa Blake mo. And if it's true, just call us and we'll be right there immediately!] Sabi ni ate Love kaya tumango ako.

"Chat with you guys tomorrow. I'm going to Blake's unit. Pahinga na kayo."

[Maaga pa teh! 8pm pa lang ditey. Sige, ingat! Aja!] Cheer ni Kinah sakin kaya natawa kami.

Crazy friends but they really can lighten up your mood..

**

Ilang oras bago ko napagdesisyunan na pumunta sa unit ni Blake. Iniisip ko pa din yung sinabi ni Ate Love. Totoo kaya 'yun? Pero hindi ko malalaman kung anong totoo kung tutunganga lang ako sa bahay. Kaya naman agad akong bumangon at dumiretso sa cr and did my rituals.

Kung ano lang yung nahablot ko 'yun lang din ang isinuot ko. Hindi special ang araw na 'to kaya non sense kung bongga ang isusuot ko.

"Where to go?" Tanong sakin ni Vanessa at pumameywang sa pintuan ko.

"Kay Blake."

"Ohh, gonna talk to him?"

Umirap ako sakaniya. "Syempre. Alanganamang buong hapon magtitigan kami dun? Utak, sis, please."

Nakita ko sa gilid ng mata ko na sumimangot siya saakin kaya natawa ako.

"Kapag tinatanong ng maayos, sumagot ka din ng maayos. Anyway, tara. Hahatid kita. Hintayin kita sa baba. Bilisan mo, 'wag pagong."

Buti pa siya may sasakyan na dito. Eh ako? Wala! 17 pa lang ako eh >___< kung sa pinas nakakapagdrive ako kahit hindi pa ko 18 dito hindi. Hang higpeeeet! Hahaha.

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon