Chapter 66

30.6K 730 145
                                    

Kinabukasan ay nakangiti akong bumaba ng kama. Pagbaba ko ay nadatnan ko pa si Vanessa na nakahiga at mahimbi pa ang tulog.

"Hoy Vanessa Alexza Santiago! Tumayo ka diyan!" Sigaw ko at niyugyog ang paa niya.

Umungol siya at kinamot pa ang pisngi niya at tinalikuran ako. Aba bastos?!

"Sige, iwan kana diyan ah." Sabi ko at tumayo mula sa pagkakaupo.

Narinig ko ang mahinang mura niya bago umupo at syempre, dahil tanga siya, naumpog siya.

"Puta." Mura niya kaya natawa ako at tinignan siya.

Kinakamot niya ang ulo niya habang tinitignan ako. Ngumisi siya habang umaayos ng upo.

"Ba't ka ngumingiti?" Tanong ko sakaniya.

"Kamusta kagabi?" May bakas na pangaasar sa boses niya.

Then I suddenly smiled, too. Naalala ko lahat kagabi. After he kissed my forehead, nagusap lang kami tungkol sa mga bagay na gusto naming gawin once na bumalik kami dito sa Maynila. Mga midnight na siguro ng makabalik kami sa resort.

"Goodnight, my queen. Tabi tayo bukas sa lahat ng sasakyan natin pabalik, okay? I love you." Sabi niya bago ako halikan muli sa noo pagkahatid niya sakin sa kwarto namin.

"Tigilan mo ko. Mauuna na ko maligo. Nireready na din nila mga gamit nila. Bilisan mo." Pagiiba ko ng topic at kinuha ang tuwalya ko bago maligo.

Pagkatapos kong gawin ang dapat gawin ay nagbihis na ako at inayos na din ang mga gamit ko.

"Hi leley!"

Napatingin ako sa pinto at nakita kong kakapasok pa lang ni Jules. Nakangiti siya habang naka-vneck at shorts. Nakalagay na sa ulo niya ang shades niya habang ang black niyang hikaw ay lalo pang nagpapagwapo sakaniya.

"Oy oy, 'wag ganiyan makatitig. Baka mapatay ako ni pareng Blake." Tawa niya at tinakpan ang mukha niya.

Natawa na lang din ako. Kengkoy talaga kahit kailan eh.

"Nakaready na ba gamit mo at nangungulit ka?" Tanong ko sakaniya at sinara ang bag ko.

"Opo nay. Nasa labas na nga po e." Sabi niya. "Tara nay? Tulungan na kita diyan sa gamit mo?"

"Sira ka! Anong nay!" Tawa ko at hinampas siya sa braso niya.

Kinuha niya na ang mga gamit ko.

"Parang bumigat? Hoy! Nagnakaw ka dito no?"

Humagalpak ako sa tawa sa sinabi niya. Binato ko pa siya ng unan at sumapul naman iyon sa mukha niya.

"Siraulo ka talaga! Lumabas kana nga!" Pagtataboy ko sakaniya.

"Eh bumigat naman talaga e! May dala ka pa atang unan at kumot ng resort na 'to." Sabi niya at umaktong nabibigatan talaga.

"Sira ka ba? Malamang yung mga pasalubong!" Tawa ko sakaniya. "Lumabas kana kung mangiinis ka lang!" Sabi ko at sumenyas na lumabas na siya.

"Tinataboy mo na ko porket ayos na kayo." Nakanguso niyang sabi.

Hindi ko alam kung joke 'yun o ano. Pero parang naguilty ako kaya nilapitan ko siya at niyakap.

"Sorry. Joke lang naman 'yun e. Alam mo namang kahit kailan hindi ko hahayaan na mawala ka sakin." Sabi ko.

Nakita ko ang pagngiti niya ng kumalas ako sa yakap. Teka nga..

"May alam ka no?" Pagkatapos ay tinignan ko siya ng parang may 'something'

Ngumiti siya sakin ng awkward at nagpeace.

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon