Chapter 55

29.7K 789 69
                                    

Sa loob ng dalawang araw, wala kaming ibang ginawa ng mga pinsan ko, pati na din ni Blake at Jules kundi ang maghanda para sa debut ko.

Ngayon, kasalukuyan kaming nandito sa nagtatahi ng gown ko. The rest is fine. Okay na ang invitation. Okay na ang designs sa gagamiting hall. Okay na lahat. Etong gown ko na lang ang hindi ko pa nakukuha.

"Why violet?" Naiinip na tanong ni Blake saakin.

Kasama ko sila ni Jules. Naiirita na nga 'tong si Blake dahil kahit saan nakabuntot samin 'tong si Jules. Wala namang problema sakin yun pero kay Blake? Big deal guys. Big deal. -_-

"That's my favorite color." Sagot ko sakaniya.

"Ang dark masiyado."

"Ayan lang naman. The rest of the designs are light."

Tumango siya at tumutok na muli sa phone niya. Ganun din si Jules na busy sa paglaro.

Haaaaaay. Kung kasama ko lang siguro mga pinsan ko hindi ako tahimik ngayon. Nagshopping kasi sila para bukas. Ewan ko ba. Bibili daw sila ng mga bagong make up. Sila Kuya Charles nga dapat hindi sasama pero hinatak sila ng mga kapatid nila. Isama mo na ang kapatid kong si Vanessa na nakisali.

"San ka pupunta?" Sabay nilang tanong saakin ng tumayo ako.

"Lalabas. Bibili akong pagkain diyan sa malapit na convenience store. May gusto kayo?"

"Samahan kana namin." Sabi ni Jules at tumayo din.

Tumayo na din si Blake. Nagpaalam muna kami saglit sa nagtatahi na bibili muna kami ng pagkain. Naglakad na kami pero agad ding napatigil dahil may tumawag kay Blake.

"Sht, need to answer this. Kayo na lang. Hintayin ko kayo dito." Sabi niya at agad kaming tinalikuran.

Napatingin naman ako kay Jules. Nagtataka kaming dalawa sa inasta bigla ni Blake.

"Siguro nga importante. Tara na, gutom na ko." Sabi ko at hinila na siya.

Bumili ako ng sandwich, kitkat tsaka C2. Binilan ko din si Blake ng sandwich. Si Jules hinayaan kong pumili ng kanya.

"Here's your change, mam."

"Thank you." Sabi ko at naglakad na papunta sa pwesto ni Jules.

Nilantakan ko na ang sandwich ko. Nagutom ako sa kakahintay.

"Hinay hinay lang." Sabi ni Jules sakin at tumawa.

"Gutom ako. 'Wag ka." At kumagat ako ulit.

Tumawa lang siya at inakbayan na ako. Pumasok na kami ulit at nakita namin si Blake na may kausap pa din sa phone. Para bang naiinis na siya kaya lumapit agad ako.

"Who--"

Sinenyasan niya ako bigla na tumahimik kaya tinikom ko muna ang bibig ko at kinagat na ang huling natira sa sandwich ko.

"Okay okay. Basta yung pinagusapan. I'll hanging up now. Take care." Ayun ang huli niyang sinabi bago niya nilagay sa bulsa ang phone niya at napasinghap.

"Who's that?"

"Pinsan ko. Nakabili ka?" Tanong niya.

Tumango ako at binigay sakaniya ang sandwich. Kinuha niya iyon pero hindi niya binitawan ang kamay ko. Imbes, pinagsalikop niya iyon at hinawakan ng mahigpit.

"Tss, nakasama kana ng bestfriend mo. Ngayon 'wag na 'wag ka ng lalayo sakin."

Napangiti na lang ako. Masiyadong possessive!

**

"Goodmorning!"

Napamulat ako sa sumigaw nun at nakita ko sila Lexis at iba kong pinsan na pumasok sa room ko.

Campus QueenWhere stories live. Discover now