Chapter 33

25.9K 726 146
                                    

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Sumilip agad ako sa room nila Blake para makita kung nandun na siya pero wala. Kahit sila Bryan wala pa. Siguro nga sobrang aga ko.

Tumambay muna ako sa likod ng EU. At least dito tahimik at mahangin. Tinitignan ko ang tubig sa dagat na umaalon. Ang peaceful. Buti pa siya, walang problema.

Habang nakatingin ako sa dagat ay biglang may umupo sa tabi ko. Napatingin ako at ang bumungad saakin ay ang varsity jacket ng mga taga Weston University.

"Mukhang may problema ah?" Sabi niya.

Ngumiti ako ng tipid at pinaglaruan ang mga paa ko, "Wala. Tumambay lang ako dito. Dito kasi tahimik."

"Hmm, ganun? Bakit parang hindi naman totoo 'yan?"

Napatingin ako sakaniya. Pero siya, nakatingin lang siya sa dagat.

"Okay fine. Meron nga." Sabi ko kaya napatingin siya saakin.

Nagkatinginan kami. Hindi ko mabawi ang tingin ko at ang lakas ng kabog ng puso ko. Bakit ganto?

"Spill. I'm ready to hear."

Bumuntong hininga muna ako at tumingin sa dagat.

"Bakit ganun, Jules? Bigla bigla na lang siyang nagsusungit. Bigla na lang siyang nagagalit. Wala naman akong ibang ginawa kundi 'yung patulan si Liz kahapon dahil sobrang inis na ko sakaniya. Pero bago pa 'yun, okay naman kami. Pero nung pinatulan ko na si Liz wala. Nagbago bigla mood niya. Sinigawan niya pa nga ako e. Bakit ba ganun?" Tanong ko sakaniya.

Lumalabo na ang paningin ko kaya agad kong kinagat ang labi ko para hindi maiyak.

"Hindi sa sinisiraan ko si Blake. Pero base sa ginawa niya sayo, parang may mali e. Parang may tinatago siya? Alam ko 'yun dahil lalaki ako. Alam ko kung anong galaw ng boyfriend nila. Hindi ako manghuhula pero kasi kapwa ko sila."

Tumingin ako sa dagat. May tinatago ka nga ba, Blake?

"Talk to him. Oo, siya may kasalanan. Oo, magmumukha kang aso dahil ikaw ang maghahabol pero ano bang mas gusto mo? Ang masaktan o ang kumapit pero alam mong may mali? Mahirap nga Kylie. Pero love 'to e, dapat handa ka."

Bumuntong hininga ako sa sinabi niya. Tagos e. Sobra.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakaniya. Nakatingin din siya saakin.

"Fight, Kylie. Pero hindi ko sinasabi sayong ipaglaban mo pa din siya kahit na malaman mo kung ano 'yung mali. 'Wag kang magpakatanga. 'Wag kang maghabol ng maghabol dahil baka 'yung hinahabol mo tinaguan kana." Sabay tayo niya. "I can be your shoulder to cry on and your bestfriend." Ngiti niya.

"Thank you." Sabi ko.

Nilahad niya ang kamay niya saakin at ngumiti, "Tara na? Hatid na kita sa room mo." Aya niya kaya tinanggap ko ang kamay niya.

"Pano ka nga pala nakapasok dito?" Tanong ko sakaniya habang naglalakad kami.

"Naglakad ako tas pumasok ako sa gate."

Sinapak ko naman siya.

"Umayos ka."

Tumawa siya, "Okay chill. Hinatid ko kasi 'yung pinsan kong si Jade. Wala kasi driver nila kaya nagpasuyo si Tito."

Tinignan ko siya, "Talaga? Si Jade pinsan mo? Small world!"

"Kilala mo?" Tanong niya.

"Oo, may gusto 'yun sa kaibigan ko e."

Umiling siya, "Nako, kaya pala pinapabantayan ni Tito." Sabay tawa niya.

Ang pogi niya naman. Kaso, mas pogi pa din si Blake.

Campus QueenWhere stories live. Discover now