Chapter 24

26.2K 834 97
                                    

Vanessa's Pov

"Hello there, sister." Sabi niya.

Suminghap muna ako bago lumingon sakaniya. At ayun siya, nakatayo habang nakangisi saakin.

I also smiled at her. Yes, I am the sister of Kylie.

"I thought you won't come." Sabi ko sakaniya at naglakad ako palapit sakaniya.

She laughed. A sarcastic one. "Why would I? Alam mo namang, importanteng importante ka sakin. I won't let you waiting for nothing here, my dear sister." Sabi niya at nginisian akong muli.

Suminghap ako. Ramdam ko ang galit niya. Ramdam na ramdam ko.

Lumapit ako sakaniya at akmang yayakapin siya ng hinawi niya ang kamay ko at umurong.

"You think it's all okay for me now?! You're wrong! Definitely wrong! Hindi ako tanga para tanggapin ka ng ganun ganun na lang! Sinaktan niyo ko!" Gigil niyang sigaw saakin.

I was stunned. Kita ko ang galit na umaalab sa mga mata niya. Ang mga luhang gustong gusto ng tumulo ngunit pinipigilan niya.

"Fucking shit, Ate! Masaya na ko! Masayang masaya na ko! Pero bakit kailangan mo pang sumulpot?! Masaya na ko sa relasyon natin na magkaaway! Masaya na ko sa ganun! Kuntento na ko pero bakit ikaw hindi?! Tama na, pwede ba?! Hindi pa nga naaalis ang sakit dito sa puso ko, uulitin niyo nanaman?! Putangina naman! Hindi naman pwedeng puro sakit na lang!" Umiiyak niyang saad.

I wanna hug her. Gusto ko siyang aluin just like the old times. Pero alam kong hindi pwede, everything had changed. Since that day happened.

"No, no, you're wrong, Kylie. I'm here because we want you back. Kukunin ka na namin. We will be a family again."

Tumawa siya at pinunasan ang luha niya. "Family?! Hell no! Hinding hindi ako magkakaron ng pamilya na katulad niyo! Pinatay ng Daddy mo ang Mommy ko!"

Sa sinabi niyang 'yun ay natigilan ako. No, my Dad didn't!

"Binaril niya si Mommy! Kaya paano mo masasabing pamilya tayo?! We're not! Never! Tama na ang 7 years na nakasama ko kayo noon! You're Dad is a kill--"

Agad ko siyang pinutol. Namumuo ang galit sa dibdib ko. My Dad's not a killer!

"He's not! Wala kang alam, Kylie! Hindi mo alam ang dahilan!"

"Then tell me!" Pagmamakaawa niya habang patuloy na pinupunasan ang luhang tumutulo pa din.

"Niloko ni Mommy si Daddy! Nahuli siya ni Daddy na nasa ibang bahay ng lalake! Sa sobrang galit ni Daddy he pulled out his gun! 'Yung kabit sana ni Mommy ang babarilin ni Daddy pero hinarangan 'yun ni Mommy that's why!" Sabi ko habang unti unting tumutulo ang luha ko.

I saw her stunned for a second. Pero agad siyang nakabawi sa pagkakagulat.

"No! You're lying! Mamamatay tao talaga 'yang tatay mo--"

"Tatay natin! Don't you dare deny that he is also your father! Dugo niya ang dumadaloy sayo! Dugo niya!"

"No!"

"Oh yes, dear sister! Kahit ilang beses ka pang magsinungaling alam kong alam mo sa sarili mo na siya ang tunay mong tatay! Magkapatid tayo and that's a fact!"

Umiiling iling siya. Naaawa ako sa kapatid ko. Pero kinakailangan ko 'tong gawin dahil nasasaktan na ko para kay Daddy.

"Daddy needs you, Kylie. He really do."

Patuloy siya sa pagiling. "Even if he needs me. I still won't come back. Bakit ba?! Bakit mo ba sinasabi sakin 'to?! I'm happy now! I'm contented!"

Campus QueenWhere stories live. Discover now