Chapter 21

28.3K 805 258
                                    

Kylie's Pov

Saturday. A boring day. Ugh! Ba't kasi umalis pa sila Blake ngayon?

Gumugulong gulong ako sa kama ko ng biglang nag vibrate ang phone ko. Napabalikwas agad ako at kinuha ang phone ko na nasa gilid ng kama ko. Napakunot ang noo ko ng makita kong si Mr. Santiago ang nagtext.

From: Mr. Santiago

- Hi hija, are you busy? 'Cause I'd like to talk to you.

Talk? About what?

To: Mr. Santiago

- Uhm, hindi naman po. Sige po. Saan po ba?

From: Mr. Santiago

- Let's meet at this coffee shop *****. Later at 2pm. Thank you :)

To: Mr. Santiago

- No problem po, sir.

Hindi na siya nagreply pagkatapos kong ireply 'yun. Para san kaya ang paguusapan namin? The last time we talked ay 'yung about sa Fiancee thingy. Weird.

Tinignan ko ang orasan at nakita kong 12pm na. Bumaba na ako at sakto nakita ko si Ate Melody na paakyat.

''San punta, 'te?'' Tanong ko sakaniya.

''Tatawagin kana sana. Pinapatawag ka na ni Sir Kean e. Kain na daw.''

Tumango ako at sabay na kaming bumaba. Umupo na ako sa tapat ni Ate at sumandok na.

''Kuya, diba hindi ka pa ga-graduate?'' Tanong ko kay Kuya.

''Hindi pa. Next year pa ko. Ikaw lang ang g-graduate sating tatlo. Naks naman! College na siya!'' Sagot ni Kuya.

''Pagkatapos ng ilang beses na consequences sa HS life makakagraduate na ko. But it's fun, tho.''

''Yeah. Namiss ko tuloy ang high school life ko.'' Ate.

''Kamusta naman ako?'' Tanong ni Kuya at tumawa.

''Ay! Hahahaha! Dami mong ginawang kalokohan nun Kuya e! Hindi ka lang makick out dahil Dela Vega ka!''

Nagtawanan kami at nagkwentuhan hanggang sa matapos kaming kumain. Umakyat ulit ako at pumili na ng masusuot ko. Dress na lang. Kinuha ko ang phone ko at agad tinext si Blake.

To: Baby ❤

- By, Mr. Santiago wants to talk to me. Makikipagkita ako sakaniya today. I'm getting ready. Text me if you received this message. I love you! Take care there.

Pagkasend ko ay nilapag ko na 'yun sa kama ko at dumiretso ng CR. Naligo na ako at kinuha ko ang dress ko at pumasok sa walk in closet ko. Pumunta ako sa dulong part kung saan nandun ang mga sapatos ko. Nagbihis na ako at sinuot ang doll shoes ko. Lumabas ako at nagsuklay. Nagpowder at lip gloss lang at pabango. Kinuha ko na ang body bag ko at lumabas.

Nakita ko si Kuya na tutok sa cellphone niya kaya lumapit ako sakaniya at nagpaalam.

''Kuya, I'm meeting someone today. I'll be home before 5pm. Pakisabi na lang kay Ate. I'll go. Text you later!'' Paalam ko at hinalikan na siya sa pisngi.

''Text me and I'll fetch you. Take care okay?''

''I will.'' Ngiti ko at lumabas na.

Nakita ko si Kuya Jude doon sa garahe kaya nagpahatid na ko sakaniya.

''Thanks Kuya Jude. Si Kuya na lang susundo sakin. Ingat Kuya!'' Paalam ko sakaniya ng makarating kami sa coffee shop.

''Ikaw din.'' Aniya at umalis na.

Campus QueenWhere stories live. Discover now