Chapter 43

29K 881 470
                                    

HAPPY BIRTHDAY, ATE ENERI! :) Dedicated sayo. Hihi <3

"Yeah. A decision where you chose to break my heart. A decision that you thought I'll be happy with."

Pagkatapos kong sabihin 'yun ay tinalikuran ko na siya. Si Jules naman ay naglakad na patungo sakin ngunit hinawakan ako ni Blake sa kamay.

"Wait for me. Aayusin ko lang 'tong problema ko. Pero I promise, once that I fix this, we'll be back together. Balik tayo sa dating tayo. Dating gawi. Please, baby. Just don't go."

Hinarap ko siya. And for the nth time! Nagulat nanaman ako dahik lumuhod siya gosh. What is he doing?!

"I promise. Just give me time. Aayusin ko lahat just for you. Gagawin ko lahat. Even it's life and death."

Tinignan ko ang relo ko at nakita kong 12am na pala.

Umiling ako, "34 hours from now I'm going to Georgia. Sa tingin mo sapat na ba yung 34 hours na yun? Kulang yun Blake. Kulang na kulang." Sabi ko at pilit na tinatanggal ang hawak niya sa kamay ko.

"No no. Kaya nga pinipigilan kita sa pagpunta mo sa Georgia para mahintay mo ko. Gagawin ko naman eh. I won't break the promise that I made."

Umiling ako, "No. Blake, you had three months. Pero anong ginawa mo sa three months na yun? You chose her instead of me. Sakaniya ka sumama. Sakaniya mo piniling sumaya kesa sakin. You abandoned our 1 year and four months relationship." Sabi ko at pinahid ang luhang tumulo, "Alagaan mo siya gaya ng pagaalaga mo sakin. Gawin mo sakaniya yung mga bagay na hindi mo nagawa sakin. Tulad ng ipaglaban."

Bumuntong hininga ako at lumuhod para kapantay ko na siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. He's crying because of me.

"I love you. Always remember that. Hindi naman ako nagkulang diba? Pinadama ko sayo yun ng buong buo. Maybe we're just not for each other. Again, I love you, my one and only." Sabi ko at hinalikan siya ng mariin sa labi.

After ilang seconds ay tumayo na ako at tinalikuran siya.

I walked away... far from him. Far from the one I love. 

Ian's Pov 

Pagkatapos tumalikod ni Kylie ay hinatak niya na si Jules. What the heck is going on them? Lagi silang magkasama kaya itong si Blake ay laging naiinis. Well, ginusto niya 'yan -__-

''KYLIE! GET BACK HERE AND LEAVE THAT JERK ALONE!!'' Sigaw ni Blake pero hindi siya pinansin ni Kylie kaya tinadyakan niya yung nakalumpasay na lalaking pinagbubugbog namin kanina. "F*ck!!" Mura niya at tinadyakan muli.

"Tol, awat na." Hatak sakaniya nila John.

"I want her back!" Sigaw niya pero nakatanggap siya ng isang suntok galing kay Kean kaya napaupo siya.

"G*go ka ba?! Pinili mo 'to! Hiniwalayan mo siya tapos ngayon ikaw ang maghahabol habol?! Pinaglalaruan mo ba feelings ng pinsan ko?! F*ck off, dude!"

Tinayo namin si Blake habang si Bryan at Jhersel ay pinipigilan si Kean.

"Kuya," Rinig kong tawag ng mga halos kasing edad din namin na mga babae. Actually, limang babae at apat na lalake sila. Pero yung dalawa ay halatang kasing edaran ni Kean.

"Kait, ihatid mo na 'yang mga 'yan." Utos ni Kean pero kay Blake pa din siya nakatingin.

Tumango si Kaitleen at hinatak na ang limang babae. Yung apat na lalake naman ay umiling habang nakatingin kay Blake at sumunod na din kila Kait. Pinsan siguro nila.

Pinagpag ni Blake ang shorts niya at tinignan ng maigi si Kean.

"You don't know the reason why I did that." Iling niya.

Campus QueenWhere stories live. Discover now