Chapter 32

28.1K 764 124
                                    

Ilang araw na ang lumipas. March 12 na ngayon, sa March 23 na ang graduation namin. Kasabay pa ng monthsarry namin ni Blake at ng birthday niya kaya masaya 'yun! ^_^

"It's break time! Oh yeah chibugan na!" Sigaw nila Ara.

Natawa naman ako kaya tumayo na ako at nilagay lang ang ilang notebook sa bag ko.

"Leggo! Nandun na sila."

Sinara ko na ang bag ko at pumunta na kami sa Caf. at infairness ang daming studyante.

Namataan namin agad sila Blake kaya pumunta na kami doon. Mga naghaharutan sila pwera sa boyfriend kong nakikinig lang ng music at nakahalukipkip habang nakapikit.

"I'm hungreh! Lemme eat! Lemme eat!" Sigaw ni Kinah at kinuha ang burger ni John.

"What the?" Reklamo ni John.

"Oh ano? Papalag ka? Sapakin kita." Ngumunguyang sabi ni Kinah.

Natawa na lang ako at umupo na sa tabi ni Blake at kinuha ang isang earphone niya. Halata namang nagulat siya pero hindi na lang siya kumibo.

"Kumain kana ba?" Tanong ko sakaniya.

Tumango naman siya, "Yup. Inorderan na lang kita. Gutom na ko e."

Tumawa ako at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Always naman. Kaya tignan mo, ang taba mo."

Tinignan niya ako ng masama kaya lalo akong natawa. "What?" Tanong ko sakaniya.

"Hindi ako mataba. Pahawak ko pa sayo abs ko e." Sabi niya at kumindat.

Namula naman ako. Narinig ko siyang tumawa. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay iyon sa bandang tyan niya, I mean, abs pala.

"Feel it, baby." Sabi niya in a husky way.

Hindi ako agad nakapagsalita. Imbes, kinagat ko ang labi ko.

"Stop biting your lip. I might kiss you."

"Then kiss me,"

Nagulat ako sa sinabi ko. Si Blake naman ay ngumisi at inilapit unti unti ang mukha niya saakin. Papikit na sana ako ng biglang may bumato ng fries saamin.

"Letche ang lalandi niyo!" Sigaw ni Ian.

Nilingon naman siya ni Blake. Ako naman ay napayuko bigla. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya shems.

"Inggit ka? Edi ikiss mo 'yang si Jai." Sabi ni Blake at humalukipkip.

"Sus. Hindi lang kiss e. Babe, gusto mo bang more than that? Alam mo na..."

Napatingin ako kay Ian at nakita kong ngumunguso siya kay Jai. Binatukan naman siya ni Jai kaya napabusangot si Ian na ikinatawa naming lahat.

"Mas malandi ka. Manyak!" Bulyaw sakaniya ni Jai.

"What? Ngumunguso lang naman ako ah. Bawal ba ngumuso? Ikaw ah. Kung ano ano naiisip mo."

"Wow, ngumunguso? Oo! Ngumunguso ka nga may halong kalibugan naman! Ian Yu ha! Umayos ka kundi mababaog ka!" Asar na sabi sakaniya ni Jai.

"Ay sus. Aminin mo na babe, iba iniisip mo no? Okay lang. Pero dahil nirerespeto kita, gusto ko kapag kinasal na tayo tsaka pa lang natin gagawin 'yun. Alam mo namang binibiro lang kita." Seryosong sabi ni Ian.

"Aww," Sabay sabay naming sabi.

Nakakatouch kaya 'yung sinabi ni Ian.

Hindi agad nakapagsalita si Jai kaya ngumiti si Ian sakaniya at hinawakan niya ang kamay nito.

Campus QueenWhere stories live. Discover now