Chapter 51

22.9K 698 50
                                    

Matagal kong tinitigan iyong chat na 'yun. What does she want again? Kinagat ko ang labi ko sa inis. Bakit ba gustong-gusto niyang nanggugulo ng buhay?

"Here's your order, mga mam."

Narinig ko ang hagikgikan at ang paglapag ng mga plato kaya nalipat ang tingin ko sa dalawang lalaking tumatawa habang nilalagay ang tray sa kabilang table. May isang paparating na lalake naman ang may dala ng isang tray na may dalawang kanin at dalawang order ng magkaibang ulam pati na din dalawang coke in can.

"Ang gwapong waiter." Kinikilig na sabi ni Krisha habang namumula ang mga pisngi na nakatingin kay Matt.

"Extra rice, miss." Kindat ni Matt sakaniya kaya nagtilian ang tatlong babae na nasa harap ko.

Umiiling na napapangiti naman si Vanessa na nakaupo sa left side ng table. Kaya bale siya at si Matt magkatapat. Tapos si Jules, ako, at si Blake habang ang nasa harap namin ay si Lexis, Jershey at Krisha.

"Here's yours, baby." Sabay lapag ni Blake ng pagkain ko.

Tumango na lang ako sakaniya at naramdaman ko naman na tumabi sakin si Jules kaya bumaling ako sakaniya. Ayokong makita si Blake na binabasa niya ang chat ni Liz. Naiirita at kumukulo ang dugo ko sa higad na 'yun.

"Juice, enge." Sabi ko at tumusok sa ulam na binili niya.

"Nakuha mo na. Hihindi pa ba ko?" Iling niya kaya natawa ko ng bahagya.

Maingay ang naging kain namin. Asaran at tuksuhan dahil etong bestfriend ko kagwapo! Si Lexis ba naman at si Jershey ang may gusto sakaniya e.

"Tama na guys. Nahihiya na 'yang dalawang 'yan." Awat ni Jules samin.

"Asus, gusto mo din naman!" Asar sakaniya ni Krisha kaya natawa ng bahagya si Jules.

"Let's be sensitive sometimes."

"Daming alam." Sabi ni Vanessa sakaniya kaya nagtawanan kami.

Nahagip naman ng mata ko si Blake na busy'ng busy sa pagtetext. Biglang nagalab ang inis sa dibdib ko and I cleared my throat.

"Sino katext mo?" I tried to make my voice calm.

"Kachat lang. Nagchat sakin sila John e,"

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niyang 'yun. Lies, huh? "Oh, okay. Pakisabi kamusta na sila." Ngiti ko sakaniya at pasimpleng umirap nang may naramdaman akong sipa sa paanan ko sa gilid.

Napatingin naman agad ako kay Lexis and I saw her using her 'what's with you?' look.

Umiling lang ako at tumayo. Natigil naman sila sa kulitan at napatingin sila sakin.

"Restroom lang." Paalam ko. "Excuse, Jules." Sabi ko at tumayo naman siya kaya naglakad na ko papuntang restroom.

Pagdating ko doon ay nilock ko agad 'yun. Isahang tao lang naman kasi ang pwedeng magCR. Humarap agad ako sa salamin at bumuntong hininga sa inis.

"Why do you need to lie? Meron na talaga kong nasesense na hindi maganda! Ughhhh! Freaking Liz! Ang sarap mong iflush sa toilet bowl!!" Sigaw ko at ginulo ang buhok ko.

Tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin. Halata sa mukha ko ang inis at galit. Inayos kong muli ang buhok ko at sinuklay iyon. Sabay tinali ko ng pa-bun. Nagfoundation at lip gloss lang ako at tinignan muli ang mukha ko at lumabas na.

Keep calm, Kylie. Keep calm--

"Ley,"

"Tupang kinalbo!" Napalingon ako kay Jules at hinampas siya agad sa braso. "Ano ba!" Inis kong sabi sakaniya.

Campus QueenWhere stories live. Discover now