Chapter 29

29.1K 837 81
                                    

I decided to stay. Tinitigan ko lang siya habang natutulog siya.

Napakagwapo ng Daddy ko. Hindi mo aakalaing nakapatay siya. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Daddy, sorry. Sorry kung napakabato ng puso ko pagdating sainyo ni Ate. Mahal na mahal ko kayo. Tanggap ko naman e, sadyang hindi ko lang masabi o maparamdam sainyo 'yun kasi naaalala ko lagi si Mommy. Nasaksihan ko kasi Daddy lahat. Nakita ko. Narinig ko. Hindi kasi madaling magpatawad Daddy e." Sabi ko sakaniya.

Nagiging blurred nanaman ang mata ko. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagtulo nito. Tumingin ako sa sofa. Nakita ko doon si Ate na mahimbing na natutulog. Ang Ate Vanessa ko.

Humalumbaba ako at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

**

Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ko at sinagot.

"Hello?" Inaantok kong tanong.

[God damn it, Kylie! Where the fuck are you?! Bakit hindi ka pumasok?!]

Aray ha! Ang sakit sa tenga. Gusto ko sanang sabihin 'yan pero seryoso ang dragon kong boyfriend kaya 'wag na. Hehehehe.

"Nandito pa ko sa ospital. Anong hindi pumasok? Anong oras na ba?"

[Miss, its already 9am.]

Paniguradong nakasimangot 'to ngayon. Hahahaha!

"Oops, sorry. Maaga pa naman. Sabihin mo na lang kila Ara pasabi kay Maam magh-half day ako."

[Okay. By the way, how's Tito?]

Tinignan ko si Daddy. "Fine I guess? Sige na. Maghahanda pa ko."

[Okay. Text me when you're on your way here. I'll wait for you.]

"Yes, sir."

[I love you.]

Napangiti ako. "I love you too." Sabi ko at binaba na ang phone.

"Mahal niyo talaga isa't isa no?"

Napatingin ako kay Vanessa na nasa table at nagaayos ng pagkain.

"Yeah," Sagot ko at tumayo. "I'm going. Magaayos pa ko. Papasok ako. Didiretso na lang ako dito mamaya."

"You don't need to go home. May dala akong uniform dito." Alok niya at kinuha ang uniform sa bag niya.

"Thanks. Ikaw? Hindi ka ba papasok?" Tanong ko sakaniya at kinuha ang uniform.

"Uhm, papasok. Pinapunta ko na dito sila Manang. Sila muna magaalaga kay Daddy." Tumango ako sa sinabi niya. "Sabay na tayo?"

Napatingin ako sakaniya.

"Sige." Sabi ko at pumasok na sa CR.

Naligo na ako at nagbihis. Pagkatapos ko ay lumabas na ako at nagsuklay.

"Shit," Mura ko ng maalala kong wala pala akong sapatos.

"Bakit? May problema ba?" Tanong sakin ni Vanessa.

"Wala akong sapatos." Sabi ko habang inaayos ang skirt ko.

Blouse at skirt kasi ang uniform namin.

"Ah. Ako na bahala wait lang."

Tumango ako at nagring nanaman ang cellphone ko.

"Hello?" Sabay naming sabi ni Vanessa.

Napatingin ako sakaniya at nakita kong nakatingin din siya saakin. May kausap din pala siya kaya natawa kami pareho.

[Pinadala ko na kila Yaya 'tong bag mo. Ay teka, pano uniform mo tsaka sapatos mo?] Tanong sakin ni Kinah.

Campus QueenWhere stories live. Discover now