Chapter 22

28.4K 784 93
                                    

Month's passed at ngayon ay February na. Ang bilis. Ilang buwan na akong binibigyan ng note. Ilang buwan ko na din siyang sinusubukang hulihin pero wala. Ang hirap.

Nung pasko ay nagout of town kami ni Blake kasama ang barkada. Masaya dahil kung anu-anong kalokohan ang ginawa ng boys habang nasa Tagaytay kami.

At eto kami ngayon, nagm-meeting para sa up coming Prom.

"So, cocktail dress na lahat?" Tanong ni Max.

"Yup, I prefer those. Kesa naman sa gown common na masiyado."

"I agree." Andy.

"I don't." Protesta ni Vanessa kaya lahat kami napatingin sakaniya. "Walang thrill but anyway, I'll just go with the flow. I'm tired arguing with you guys. Wala pa din namang magbabago kapag pinilit kong ibahin. Still your decision."

"Himala." Sabi sakaniya ni Annie.

Umirap na lang siya at nagtype na sa laptop niya.

''So it's settled, cocktail dress na ang gagamitin niyo.'' Max.

''Baka gusto mo pati kayo?'' Asar sakaniya ni Andy at tumawa.

Tumawa din kami pero si Max ay nananatiling seryoso.

''Shut up, Guzman.'' Seryosong sabi ni Max kaya natigil kami sa pagtawa.

Nagtinginan lang kami at tumingin na sa laptop namin.

**

Hi sis! Malapit na. Malapit mo na kong makita. I'm so excited. How about you? :)

-Ate

Umirap ako ng mabasa ko 'yun. Kilala ko na 'to. Kilalang kilala.

Nilagay ko 'yun sa loob ng locker ko at pumunta sa Rooftop kung saan nandun ang barkada.

Pagakyat ko ay nakita ko silang lahat na nagkakatuwaan pwera kay Blake na nakikinig ng music habang nakapikit at nakasandal ang ulo sa swing.

Pumwesto ako sa likod niya at tinakpan ang mata niya.

''The f?'' Sabi niya at tinanggal ang isang earphone sa tenga niya.

Humagikgik ako pero nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako papunta sa harap niya.

''I know it's you.'' Aniya at inupo ako sa kandungan niya at niyakap ako sa bewang.

''Obviously.'' Sabi ko at tumawa.

Pinatong niya ang baba niya sa likod ko kaya napatayo ako ng tuwid.

''Nakikiliti ako!'' Bulyaw ko sakaniya pagkaharap ko.

Ngumisi siya at nilahad muli ang kamay niya.

''Oops, I didn't know, baby.''

Umirap ako at umupo sa tabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at may mga ginawa siya doong hindi ko maintindihan. Ka-alienan nitong lalaking 'to.

Nagvibrate ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha.

From: Unknown Number

- Hey! Still remember me?

Napakunot ang noo ko.

''Who's that?'' Tanong saakin ni Blake.

Nagkibit balikat ako at hindi na lang iyon pinansin.

''May bago nanaman?'' Tanong niya muli sakin na naiinis.

''Bagong ano?''

''Bagong kaagaw.''

Campus QueenWhere stories live. Discover now