Chapter 48

28.4K 728 174
                                    

It's been months since Blake came here. Masaya kami, sobra. Kami pa nga ang naging 'University of Georgia's sweet couple.' kemerut. Well, sweet naman talaga kami ni Blake :"> kahit na nagkakatampuhan kami minsan pano ba naman hanggang dito ang daming asungot na gustong umagaw sakaniya! Hmp! >.<

"Hi, Blake.." Oh diba kakasabi ko lang?

Tinignan ko si Blake at nakita kong tinanguan niya lang yung babae at iniscan na ulit ang blinder ko. Irereview niya daw ako para sa quiz eh.

"Aww, why won't you speak? Let's chill? Later, 4pm?"

Huwaw. Nahiya naman ako ate. Kung makatanong akala mo wala yung girlfriend sa tabi.

"I can't. Sorry, and even if I'm available I won't." Masungit na sabi ni Blake sa babaeng blonde na 'to. Ha! Burn! "Baby, let's go? Dun tayo sa likod."

Tumango ako at naglakad na kami pero tinignan ko mula sa liko ang babae at nagmake face ako sakaniya. Kita ko naman ang pagkainis niya at pagdabog niya.

"Asar pa." Iling ni Blake at hinapit ako lalo palapit sakaniya.

"Serve's her right." Ngisi ko at yumakap na din sa bewang niya at naglakad na papunta sa likod ng Univ.

Pagkadating namin doon ay hinubad niya ang blazer niya at nilapag iyon sa damuhan. Umupo na siya doon kaya umupo na din ako. Inakbayan niya ako habang binabasa ang mga notes ko.

"Hindi ba madudumihan 'tong blazer mo?"

"May extra pa ko sa locker. Gets ko na 'to, game na?" Tumango ako sa sinabi niya kaya inexplain niya na saakin.

Ilang minuto din kaming nagrereview. Pulang pula na nga ang ilong ko sa kakapitik niya. Bakit? Kasi kapag nagkamali ako ng sagot pipitikin niya ang ilong ko. At dahil ako si Kylie Michelle Santiago, pipitikin ko naman siya sa bawat maling sagot niya. Ang kaso, konti pa lang nasasagot ko ng tama. Ako na lang lagi nasasaktan. Binigay ko naman ang best ko. Whuuuut? Hahaha!

"Ughhhh! Aray!!" Reklamo ko na sakaniya dahil pinitik niya ang ilong ko. Oo na mali na!

"Oo ka ng oo kanina tapos ngayon mali mali sagot mo." Iling niya at humilig sa katawan ng punong pinags-stayan namin.

Nagmake face ako sakaniya at tumayo na. Pinagpag ko pa ang skirt ko dahil may mga damo pa din na dumikit kasi hindi naman gaanong kalakihan ang blazer ni Blake.

"Papasok na ko. In five minutes maguumpisa na next class ko."

Tumayo din siya at pinagpag ang blazer niya sabay sinuot niya ito. Pinasadahan niya pa ang buhok niya gamit ang palad niya. Wooh! Ang hangin ng dating. "Let's go. Hatid na kita." Aniya at hinatid na ako sa room ko.

Pagkadating namin sa tapat ng room ko ay napansin kong konti pa lang ang mga kaklase ko at napansin kong nandun na din si Alexis sa gilid na nagr-review.

"Alalahanin mo yung mga nireview ko sayo. Hindi pwedeng bumagsak ka. I'm going to my next class now." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.

"Opo boss." Ngiti ko sakaniya at pumasok na sa loob.

Tumabi ako kay Alexis at nakireview na din. Bakit walang pumapasok sa isip ko?! ToT

"Goodafternoon, class. Let's start our quiz now."

Huwaaaaah! Pwedeng mamaya na lang, Miss? :3 pero syempre hindi ko sinabi 'yan. Hindi naman ako maiintindihan ni Miss. Nilabas ko na ang notebook ko at nagsagot na.

20 minutes had passed at natapos na din ako. Mabilis? Mas mabilis sila! Ten minutes pa lang ata tapos na sila eh >.<

"Ky, ang hirap nung sa B 'no? Dumugo utak ko dun e." Tawa ni Alexis.

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon