Chapter 13

30.4K 834 54
                                    

Still Blake's Pov

"Kylie's been adopted by my parents," Seryoso niyang sabi.

Hindi ako nakapagsalita. Adopted?

"She was 7 years old when something happened to her and to her real family."

"What happened?" Tanong ko.

"Si Daddy at Mommy lang ang may alam ng totoong nangyari. Kapag tinatanong namin sila ayaw nilang sabihin. Umuwi sila nun ng kasama si Kylie na iyak ng iyak. At si Mommy naman ay may dugo sa damit ganun din si Daddy. They didn't tell us the whole story. Halatang ayaw nilang pagusapan. Just then, me and Kaitleen knew that Tita Carmela and Tito Alfred died."

"So it means, si Tita Anna and Tito Piolo lang ang may alam ng totoong nangyari?" Tanong ko.

"Oo," Aniya. "Pilit ng kinalimutan 'yun ni Kylie. Pero kada nasa dilim siya ay naaalala niya 'yun. Kaya ayaw niyang napupunta siya sa dilim,"

"Kaya pala. Kaya pala ganun kalaki ang epekto sakaniya kapag nasa dilim siya. Talagang natrauma siya sa nangyaring 'yun." Sabi ko.

"Oo. Kaya please, Blake, don't leave her. Mahal na mahal ka ni Kylie. At kahit hindi ko siya totoong kapatid napamahal na siya sakin ng sobra sobr. I can't take it when I see her crying and being hurt. Please, alam kong napakahalaga mo para sakaniya. Ayokong nakikita siyang nasasaktan ng ganiyan."

"I won't leave her. I promised her already. Hindi ko siya iiwan at hinding hindi mangyayari 'yun."

Tumango siya. "Mabuti ng magkalinawan tayo. 'Wag mong sasabihin sa iba 'tong sinabi ko sayo ah? I trust you, bro." Sabi niya.

"I won't. Kalalaki kong tao tas ikakalat ko? Worst is asawa ko pa ang pinaguusapan? Hell dude, no."

Binatukan niya naman ako.

"Asawa ka diyan? Atat ka masiyado ah. Tara na nga. Baka hinahanap kana nun." Sabi niya at naglakad na.

Naglakad na din ako pero hindi ko pa din maiwasang magisip.

Kylie's only adopted by Kean's parents. Bakit? Anong nangyari?

Kylie's Pov

"Ate, wala pa ba si Blake?" Tanong ko kay Ate.

"Wala pa. Pabalik na din 'yun 'wag kang magalala."

Tumingin naman ako sa barkada at lumapit sila saakin.

"Are you okay na?" At kelan pa naging conyo 'tong si Doms? -.-

"Yeah." Sagot ko sakaniya.

"Ano ba kasing nangyari? Nakita mo ba si The Grudge at umiyak ka?" Panloloko ni John.

Binatukan naman siya agad ni Kinah at nakita kong may binulong siya kay John kaya tumahimik ito at nagkamot na lang ng ulo.

Bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon. Nakita ko si Kuya na pumasok.

"Kuya asan si Blake?" Tanong ko sakaniya.

"I'm here, baby."

Napatingin ako sa kakapasok lang na Blake na ngayon ay papunta na sa gawi ko.

"San ka galing?" Tanong ko sakaniya.

"Ah. Dyan lang," Sagot niya at tumingin sa baba.

Bakit parang may nililihim 'to sakin?

Namuo ang katahimikan saamin. Maya maya ay ako na din mismo ang bumasag dito.

"Uhm, tara na guys? Okay na din naman ako e."

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon