Chapter 34

28.9K 713 125
                                    

Hello! Dun sa chapter 32 diba ang nakalagay anniversary nila sa March 23? Mali 'yun. Ang anniversary nila ay november 23. I'll edit it soon. :)

Pumasok ako ng maaga kinabukasan. Tulala habang iniisip pa din ang nangyari kahapon.

"Wala. At kung meron man, para lang 'yun sa nararamdaman niya. Para sakaniya at para samin. Aakuin ko lahat. 'Wag lang siya masaktan."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakatingin lang ako sakaniya.

"Sana iniisip mo muna kung nasasaktan na ba siya. Dahil hindi mo alam, kung ilang beses siyang umiyak." Sabi sakaniya ni Jules.

Tumikhim si Blake at tinignan ako. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko kaya napatingin ako doon.

"Baby, I'm sorry." Sabi niya at niyakap ako.

Niyakap ko siya pabalik ngunit ilang segundo lang ay kumalas ako.

"Jules, tara na."

"Wait, wh--"

Pinutol ko siya. "I said let's go." Sabi ko at tumalikod na.

Ewan ko kung bakit ako tumalikod agad. Para kasing hindi ako naniniwala sa sinabi ni Blake na wala siyang tinatago.

Pagdaan ko sa room namin ay nakita ko ang mga kaklase ko na nakayuko. Anong meron sakanila?

Pumasok ako ng nagtataka pa din.

"Anong meron, guys?" Tanong ko sakanila ngunit walang sumagot saakin.

Dumiretso na lang ako sa upuan ko at tinignan sila Ara na nakangiti saakin.

"Ano bang meron? Ang weird grabe." Tanong ko sakanila.

Hindi rin sila kumibo. Pagkatapos ng ilang segundo ay tumingin sila sa harap kaya napatingin din ako.

Isa isang tumayo ang mga kaklase kong lalake at pumunta sa harapan pagkatapos ay humarap sila at tinapat sa dibdib ang mga illustration board.

I'm so sorry, baby.

Ayan ang nakasulat sa illustration board. Tinignan ko naman sila Ara.

"Kanino sila nags-sorry?" Tanong ko sakanila.

Tinignan ako ni Ara ng nakapoker face.

"Slow," Sabi niya at tumingin muli sa harapan.

Slow? Ano? Hindi ko magets!

Napatakip ako ng bibig ko ng makita kong pumasok si Blake at nakasabit sakaniya ang illustration board na nakalagay ay ':(' pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya at kinuha mula sa kaklase ko ang bouquet.

Nilapitan niya ako at lumuhod siya sa harapan ko.

"I'm sorry for being a jerk. I'm sorry for getting mad at you easily that day. I'm just at the bad mood that time. I'm sorry, baby." Sabi niya at nilahad sakin ang flowers.

"Napaka bipolar mo. Bakit ba kasi mahal na mahal kita?" Sabi ko at niyakap siya.

"So, okay na tayo?" Tanong niya ng humiwalay ako.

Tumango ako, "Oo, kahit inis na inis ako sayo. Kahit galit na galit ako sayo wala naman akong magawa e. Mahal na mahal kita. Hindi kita kayang tiisin." Sabi ko at ngumiti.

"I love you." Sabi niya.

"I love you too." Sabi ko pabalik.

Hinalikan niya ako sa noo at niyakap akong muli.

Kinantyawan naman kami ng mga kaklase ko pati nila Ara.

"I'll see you later?" Ngisi niya.

"Ofcourse."

Campus QueenWhere stories live. Discover now