Chapter 4

33.5K 1K 211
                                    


"Liz," Mahinahon na sabi ni Blake.

Bumitaw naman yung Liz at tinignan si Blake.

"What? Didn't you missed me? Namiss kita Blake. And I'm so sorry for what I did to you two years ago. Hindi ko sinasadyang saktan ka." Explain nitong babaeng 'to.

"It's been two years. Wala na 'yun para sakin."

"Pero mahal pa kita, Blake."

I faked coughed kaya napatingin naman saakin yung Liz.

"But he doesn't love you anymore. Sorry miss, so back off. He's mine." Sabi ko.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Liz. Itaas mo pa! Gusto ko abot ceiling para masaya!

"Yours? Oh no way." Aniya at bumaling kay Blake, "Ganto ba ang ipinalit mo sakin Blake? Napaka-cheap."

Hinawakan ni Blake ang kamay ko ng mahigpit. Pigilan niyo ko at ikukulong ko 'tong babaeng 'to sa kulungan ng aso namin!

"She's not cheap. She's just simple, unlike you." Sabi ni Blake.

"Oh come on. I know that you still love me, Kevy."

Blake laughed. "Love? Wala na yung nararamdaman ko na 'yun para sayo. After what you did to me? I don't regret letting go of you. Dahil kung hindi kita pinakawalan, hindi ko sana makikita ang babaeng minamahal at mamahalin ko habang buhay ngayon." Sabi ni Blake at inakbayan ako.

"No. I'll make you mine again, Blake. You'll see." Sabi nito.

Kinuha niya ang maleta niya at hinila ito papunta sa pinto bago kami balingan ulit.

"And you bitch, get ready." Ayun ang huli niyang sinabi at lumayas na.

Nakuyom ko naman ang kamao ko. Sasapakin ko talaga yung babaeng 'yun!

"Hayaan mo na siya, by Hindi siya karapat dapat pansinin."

"Sino ba 'yun?"

"Oo nga Kuya! Sino 'yun?"

Napatingin kami sa ibaba namin at nakita namin si Brenna na nakahawak pa rin sa kamay namin. Nakalimutan kong may kasama pala kaming bata.

"Old friend of mine, baby." Sagot sakaniya ni Blake. "Mind if you'll just watch here? Maguusap lang kami ni Ate Kylie mo."

Tumango naman si Brenna, "Okay, Kuya!" Sabi nito at tumakbo na paupo sa sofa.

Lumabas naman kami ni Blake at dumiretsong garden nila. Umupo kami sa bench at hinawakan niya ang kamay ko.

"So tell me now."

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"That's Liz. Liz Ferrer. She's my former girlfriend. Hindi pa kita kilala nung naging kami. Mago-one year na kami nung nakipagkita siya saakin sa park malapit dito. She said she wanna say something. Then there, sinabi niyang may nago-offer sakaniya sa states na magmodel. Pumayag siya ng walang paalam sakin. I let her. Hindi niya ko hinabol nung tinalikuran ko siya. At 'yun, may nakikita na ako sa magazines na picture niya na minomodel ang mga bigating boutiques. It was nothing for me. Ilang years na din kasi ang nakalipas." He explained.

Biglang kumulo ang dugo ko.

Anak ng tokwa! Pagkatapos niyang piliin ang pagm-model sa ibang bansa babalik balik siya dito at sasabihing mahal niya pa si Blake?

"I know you're mad. Pero hayaan mo na 'yun, past na 'yun. Ang mahalaga tayo pa rin kahit ilan pa ang humadlang saatin."

"Promise? Walang bibitaw sating dalawa kahit na marami pang humadlang?"

"Promise, baby." Aniya at niyakap ako tsaka hinalikan ang gilid ng ulo ko.

I smiled. That's why I love this guy so much. I believe in his promises.

**

"Hi, Blake." Bati sakaniya ng isang babae nang mag Monday na muli.

Napatingin kaming barkada sakaniya. And oh, look who's here si Vanessa Santiago lang naman.

Tumango lang si Blake at nakipag-usap ng muli kila John.

"Aww, iniisnob mo na ko? Porket hindi na tayo classmates? Why? You're sad because you don't see me anymore?" Tanong nito.

Aba't ang kapal din naman ng mukha nito! Mas makapal pa sa librong binabasa ko.

"Potassium." Bulong ni Kinah.

Napatingin naman ako sakaniya.

"Potassium?"

"Oo. Pota na assuming pa."

Tumawa ako kaya napabaling sakin ang lahat lalo na si Vanessa at tinaasan ako ng kilay.

"What are you laughing at, bitch?"

Napangisi ako.

"Bitch? You calling yourself?"

Tumahimik naman ang mga boys na naguusap-usap at nakita kong napatingin sila saamin.

"Excuse me?" Mataray niyang tanong sakin.

"Sorry. Walang daanan dito. Kita mong table na 'tong nasa gitna namin 'di ba? Bulag lang?"

Namula naman ang mukha niya at nakuyom niya ang kamao niya.

But then, she smirked.

"Oh whatever. Just wasting my time talking to faggots like you." Aniya at tumalikod. Pero bago siya maglakad ay humarap ulit siya. "Eto lang tandaan mo, maybe I've been silent this past few weeks. But be ready. Dahil hindi pa ko sumusuko diyan kay Blake. Makukuha ko na ang gusto ko. Tandaan mo 'yan." At tuluyan na siyang umalis.

"Kwento mo sa pagong! Matagal mo ng sinasabing makukuha mo si Blake pero 'di mo magawa! Weak!" Sigaw ni Jai.

Hays, dalawa na. May dadagdag pa bang kokontra? Kaya namin 'to. Kayang kaya.

Campus QueenWhere stories live. Discover now