Chapter 38

28.5K 1K 515
                                    

Kylie's Pov

Ilang linggo ang lumipas. Hindi pa din ako makapaniwala. Iniwan niya ko, bakit? Ayan lagi ang tanong na nasa isip ko tatlong linggo na.

Nakatunganga lang ako dito sa walk in closet ko. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi.

Nakareceive kasi ako ng text kay Ma'am, clearance day daw. Hindi ko talaga alam kung pupunta ako o hindi.

*Ding Dong Ding Dong Ding Dong*

"TEKA NAMAN!!" Inis kong sigaw.

Nakatapis kong binuksan ang pinto at nakita ko doon ang barkada.

"Ano ginagawa niyo dito?"

"Masama bang daanan ka?" Nakapameywang na sabi ni Ara sakin.

"Hindi niyo naman agad sinabi." Sabi ko at tinalikuran sila. Pumasok ako sa kwarto ko.

Sumunod pala sakin sila Ara pero ang mga lalaki nasa labas. Mage-xbox nanaman 'yun panigurado.

"Hindi ako pupunta." Sabi ko.

"Ano?! Bakit?" Tanong ni Kinah.

"Papapirma ko na lang kila Tita Anna. Papasabay ko na lang."

"Hindi pwede." Iling ni Jai, "Sumama ka. Hindi porket Tita mo may ari ng EU gaganyan kana." Sabay hila sakin ni Jai.

"Wala akong mapili." Bored kong sagot.

"Para san pa ang isang Ara Ramos diba?" Sabi ni Doms at tinuro si Ara.

"Alright." Sabi ni Ara at dumiretso sa walk in ko.

Ilang minuto ang lumipas tahimik lang akong nakatingin sa picture frame namin ni Blake.

"Pupunta ba siya?" Tanong ko.

"Hindi namin alam."

Napabuntong hininga na lang ako. Sana.

"Oh eto na." Labas ni Ara.

Dala dala niya ang red sleeveless dress ko.

"Ayoko niyan." Sabi ko.

"Ayaw mo? Pumili ka. Eto," Angat niya ng dress, "O eto?" Angat niya ng t-shirt...

T-shirt na binigay ni Blake saakin noong nasa rooftop kami na pinagagaw-agawan pa nila Kiara.

"'Yan." Deretsa kong sagot.

Namilog ang mga mata nila.

"Are you serious? Eto? Isusuot mo?" Tanong sakin ni Ericka.

"Oo."

"No way..." Sabi ni Kiara.

"Actually it's a yes. Kaya lumabas na kayo ng makapagbihis na ko." Sabi ko at tinaboy sila palabas.

Tinignan ko ang tshirt paglabas nila. I'm gonna wear you, at kapag hindi niya pa ko binalikan sa oras na makita niya kong suot 'to, I swear, gagawin ko talaga ang lahat maayos lang 'to.

Sinuot ko na iyon at tinupi ang sleeve noon. Tapos ay sinuot ko na ang jeans at chucks ko. Nagpabango at nagayos ng onti sabay labas na.

"Tara na."

"Teka naman, kumakain pa kami e." Angal nila John.

Umirap na lang ako at umupo na sa sofa sa Sala.

To: Babe-by ❤

- I miss you so much. Can you please, at least text me if you're okay? :(

Ilang linggo ko na siyang tinetext. Pero wala akong nareceive na reply ni isa.

Campus QueenWhere stories live. Discover now