Chapter 26

31.2K 812 62
                                    

Kylie's Pov

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Minulat ko ang mga mata ko at nagtaka kung bakit nagiba ang kulay ng kwarto ko. As far as I remember, kulay Violet ang kwarto ko at hindi pink. And there I realized that I'm not at home.

"Bullshit, Kinah Kiara Molinas! Isa pang tadyak at masasapak na kita!" Inis na sigaw ni Doms kay Kinah.

Nag-indian sit ako sa kama at tumingin sa gilid ko. Sa right ko ay nandun si Ericka at Ara. Si Ericka ay nagp-phone habang si Ara naman ay naglalaro sa iPad niya.

Sa left ko ay nandun si Jai na tulog na tulog pa at sa gilid naman niya ay si Doms at Kinah na nagtutulakan.

"What? Ang arte mo! Kung ayaw mo doon ka sa couch matulog!" Nakapikit na sigaw ni Kinah.

Umirap si Doms ay sumandal sa gilid ng kama.

"You bitch. I can't sleep anymore!"

"Then good." Pangasar ni Kinah at tinakpan ang mukha niya ng unan.

Umiling ako. Kahit kailan talaga. I looked at the wall clock and saw that it's already 10am.

"Get up sleepyheads!" Sigaw ko sakanila habang tinatali ang buhok ko.

Walang pumansin sakin. Ah ganun? Tumayo ako at sinigawan ulit sila.

"GET UP!" Sigaw kong muli na nakapag-pabangon sakanilang lahat.

Nakasimangot silang lahat saakin. What?

"Why? Ang aga aga pa!" Sigaw sakin ni Jai habang kinukusot ang mata niya.

"Bwisit! I'm playing that effin' cooking fever! Nasunog tuloy 'yung cake na bine-bake ko!" Inis na sigaw sakin ni Ara.

At doon, nagreklamo na din ang iba. Nagpout ako at yumuko.

"Ganun ba? Sige, gawin niyo na ulit ginagawa niyo. Magm-mall pa naman sana tayo. Bonding, you know. Pero mukhang ayaw niyo. 'Wag na lang." Nagtatampo kong sabi at tumalikod.

"Ay nako eto na nga o! Maliligo na." Sabi nila at tumayo.

Humarap ako at ngumiti sakanila. They also smiled at me.

"If that makes you happy, kahit na nakakabwisit ka dahil pinabangon mo kami ay susundin ka namin. We want you to be happy. We want you to forget the pain." Napangiti ako sa sinabi nila.

Sana nga mawala.

**

Nakapagbihis na kaming lahat. I'm just wearing a pink dress with matching color beige na doll shoes.

Mabuti na lang at bawat bahay namin na magbabarkada ay nandoon ang iba naming damit. Just incase na mags-sleep over kami sa bawat bahay.

"I already texted the boys." Sabi ko sakanila.

Napalingon naman sila saakin ng gulat. "Bakit?" Tanong ko sakanila.

"Hindi mo sinabi samin! Gaaah! I need to change my clothes!" Sabay sabay nilang sabi at tumakbo sa walk in closet. Uhh? Seriously?

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na sila. Mas bongga ang suot nila ngayon. Kung kanina ay jeans or short lang. Ngayon ay may nakaskirt or dress din. Humarap na sila sa salamin at nag make up. Ang kikire!

They were putting their lip gloss when someone knocked. Since ako lang ang walang ginagawa ay ako na ang nagbukas. At nakita ko doon si Manang na nagaalaga kay Jai.

"Nandiyan na sila Ian, iha."

Tumango ako. "Sige po manang. Bababa na po kami."

Tumango siya at sinara ko na ang pinto.

Campus QueenWhere stories live. Discover now