Chapter 68

29.1K 744 71
                                    

Parehas kaming nakangiti habang tinutuloy niya ang pagmamaneho. Still, we can't forget what happened earlier!

Dahil sa kiss na iyon ay nagkaron ng traffic dahil hindi namin namalayang nag-green light na. Nakakahiya pero tumawa lang kami parehas ni Blake.

Iniliko niya ang sasakyan sa subdivision namin. Hindi pa ako nakakabalik sa condo ko ulit.

"So this is a goodnight. As in a good night!" Sabi niya habang hindi pa din naaalis ang ngiti sa labi niya.

"This really is," sagot ko pabalik sakaniya habang nakangiti din.

Lumapit siya sakin at muli niya akong niyakap. I feel that I'm safe in his arms. I feel so secured.

"I won't waste this chance. I know that this is my last chance. And I swear I'm gonna be careful on what I'll do from now on." Aniya habang nakayakap pa din saakin.

Yumakap ako pabalik sakaniya at sinubsob ang mukha ko sa leeg niya. How I missed this man!

"You really should."

Kumalas siya at tinignan ako sa mata. "I love you, my one and only."

"I love you too."

"Nope, I love you more." Iling niya.

"I love you most." Sagot ko at bumelat sakaniya.

Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Okay, defeated!" Hands up niyang sagot kaya tumawa ako.

"So, I'm going. I'll fetch you again tomorrow okay?"

Tumango ako sakaniya at hinalikan niyang muli ang noo ko.

"Goodnight, my one." Paalam niya at muling pumasok sa sasakyan niya.

Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa mawala na 'to sa paningin ko. Nakangiti akong pumasok ng bahay at nagulat na lang ako ng makita doon si Daddy, Vanessa, Alexis at Tita sa pintuan.

"Kayo na ulit?" Tanong ni Alexis saakin.

Tumango ako kaya nagtatatalon sila doon nila Tita.

"Hope he won't hurt you again," Sabi ni Tita.

"I know you learned from your mistakes, anak. Pero kung dito ka sasaya ay hahayaan na lang kita. We're always here for you, remember that." Sabi ni Daddy kaya niyakap ko sila.

And yes, besides from my friends and Blake. I'm glad I have a family like this.

**

Ilang buwan ang lumipas. Naging maayos din ang pagt-trabaho ko. Hindi mahirap makisalamuha lalo na at mga kalog din ang mga kasama ko.

"Hoy bruha ano na!" Kalampag saakin nila Kinah.

And yes, magkakasama kaming muli ng barkada. Nandito na din ako ulit sa condo ko. Umuuwi naman ako sa bahay kada Friday-Sunday.

"Eto na!" Sigaw ko pabalik at pinasadahan muli ng isang tingin ang sarili ko sa full length mirror ko.

Lumabas ako mula sa kwarto at nakita ko sila Kinah na nakacocktail dress na kulay pula. Iba ibang ayos din ang mga buhok nila and what I can only say is they are all gorgeous!

"Gahd! Ikaw na talaga!" Sabi nila saakin habang tinuturo ang buong katawan ko mula taas hanggang baba.

"Loka! Nahiya naman ako sainyo." Sabi ko sakanila at umiling.

Nagtawanan lang kami at nagsitayuan na sila.

"Si ate Love?" Tanong ko sakanila.

"Papunta na."

Campus QueenWhere stories live. Discover now