Chapter 60

27.2K 763 98
                                    

"Tara na guys! Bonfire!" Aya ni Jai at nagmadaling lumabas.

After that conversation with Jules, nanatili kaming tahimik bago mapagpasyahan na bumalik na. I don't know what's running in his mind. Basta ang alam ko, nagsinungaling ako sakaniya kanina.

"Ky, tara na?" Tanong sakin ni Doms.

Tumango lang ako at sumenyas sakaniya ng sandali. "Una na kayo. Magjajacket lang ako."

"Hintayin na lang kita."

"Kami na lang ang sabay, Doms." Sabi ni Vanessa pagkalabas niya sa CR.

Tumango na lang si Doms at naghanap na ko ng jacket sa cabinet. Nang makahanap ako ay sinuot ko na iyon at lumabas na kami ni Vanessa.

Nagulat ako ng bumukas ang kwarto nila Liz. Akala ko si Liz iyon, pero si Blake ang lumabas.

"Blake! Sabay kana samin?" Alok sakaniya ni Vanessa.

"Oo. Sandali lang. Lianna, tara na." Sabi niya at tumingin sa loob.

Lumabas si Lianna doon at nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin kay Blake.

"Daddy!" Hagikgik ni Lianna at yumakap sa binti ni Blake.

"Very good, Lian." Nakangiti si Blake habang sinasabi niya iyon. "You'll walk? Or I'll carry you?" Tanong nito sa bata.

"I'll walk, Daddy." Sabi niya kaya tumango si Blake at hinawakan ito sa kamay niya.

Napangiti ako sa nakita kong iyon. He's such a good father to her daughter.

Tama lang siguro talaga na pinili kong hayaan siya sa desisyon niya. Dahil kung hindi, walang ama na humahawak sa kamay ni Lianna ngayon.

"Stop staring. Did you missed me that's why?" Napakurap ako ng sabihin iyon ni Blake saakin. Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sakaniya.

"Ay sus." Rinig kong sabi ni Vanessa sa likod ko.

Tinignan ko lang ng masama si Blake at nakita kong nakatingin saakin si Lianna kaya ngumiti na lang ako sakaniya.

"Hello!" Sabi niya at kumaway saakin. "I'm Lianna. Ikaw po?" Medyo bulol niya pang tanong saakin.

"Hi, ako si ate Kylie. Ang cute mo naman." Ngiti ko sakaniya at bahagyang umupo para pumantay sakaniya.

"Jutt (just) like you." Ngiti niya at humagikgik.

"Mind if we walk now?" Singit bigla ni Vanessa habang nagsusuklay kaya tumayo ako at nginitian muna si Lianna bago humarap at naglakad na.

Hindi ko alam kung masiyadong mabagal ang paglalakad ko. Pero rinig ko ang nagiging usapan nila Blake at Lianna sa likuran ko. Inaaliw niya si Lianna sa bawat nadadaanan naming mga ilaw na nagpapakita ng mga disenyo sa paligid.

Napangiti ako nang marinig kong niloko niya si Lianna na susundan sila ng lion na disenyo kapag nagkulit siya.

"Nooo!" Rinig kong maktol ni Lianna kaya napatingin ako sakaniya. Nakita kong mangiyak ngiyak na siya kaya agad akong lumapit sakaniya.

"Why are you crying, Lian?" Tanong ko sakaniya at nilagay ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga niya.

"Daddy said lion will follow ut! (Us)" aniya at tumulo ang luha niya sa takot.

Tinitigan ko ng masama si Blake pero kita ko ang titig niya saakin kaya agad akong humarap kay Lianna at inalo siya. Baliw itong tatay na 'to!

"Shh, I'm here, baby Lian." Alo ko sakaniya habang pinupunasan ko ang mga luha na tumutulo sa mata niya.

Campus QueenTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang