Chapter 45

29.2K 826 137
                                    

Kylie's POV

*NP: Good Girls by 5SOS*

Tumama ang silaw ng araw sa mukha ko kaya sa inis ko ay tinakpan ko ang mukha ko ng unan. Alarm ko 'yun ah? Pero yaan na! Inaantok pa ko!

"Argggggggg..." Inis kong sabi at dumapa.

"WAKE UP, SLEEPYHEAD!" Sabay yugyog sakin ni... nino nga ba? Ah basta! Familyar yung boses niya eh!

"Zzzzzzzzz..." Bulong ko.

"GISING!!" Teka, dumami ata sila? Ang dami ng boses eh!

Hindi ko sila pinansin. Ang aga aga pa eh!

"Gumising kana, Kylie!!"

Anak ng tupa naman oh!

"SHUT UP!!!!" Sigaw ko sakanila at tinaklob ang kumot sa sarili ko. Bwisit! Ang aga aga eh!

Hinila nila ang kumot na nakataklob sakin kaya agad ko iyon hinatak. What the hell?!

"Ano ba!" Sigaw ko at dumilat. Nakakainis na ah!

Nakita ko ang barkada doon. Teka, asan ako? Nilibot ko ang paningin ko at napansin kong nandito ako sa kwarto ko sa bahay nila Tito Piolo. Ah! Dito nga pala ako pinatulog ni Daddy kagabi kasi yung mga pinsan ko dun sa bahay. Ako pa yung nawala sa bahay namin eh no? ~_~

"Tumayo kana! Mal-late kana sa flight niyo." Sabi ni Bryan.

Flight? Ano bang date ngayon?

"Yes, missy. It's already July 28. Diba nga dapat nung July 21 pa flight niyo? Pinarebook niyo lang ulit." Sabay cross arms ni Kinah.

Umupo ako habang yung kumot ay nakatakip pa sa balikat ko. Duh! Wala pa kaya akong bra >_____>

Bumuntong hininga ako. Is this already the day? Baka nananaginip lang ako. Tumingin ako sa orasan at nakita kong 6am pa lang. Ang aga naman! 10am pa flight namin ah?

"We came here early because we know na matagal ka bago magayos. Eh dapat 2 hours before flight niyo makapagcheck in na kayo diba? Kaya go. Tayo na at magready!" Aba excited ata 'tong mga 'to na paalisin ako eh! -.-

"Oo na. Lumabas na kayo." Sabi ko at tinaboy na sila palabas.

Nilock ko ang pinto at naligo na. Pagkatapos ay lumabas na ako at dumiretso sa walk in closet ko at nagbihis. Yup yup! Nagtira pa din naman ako kahit papano. Tinira ko dito yung mga damit na yung mismong designer namin ang gumawa. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako and did my thing.

"KYLIE TAPOS KANA?" Sigaw nila Jai sa labas kaya nasapo ko ang dibdib ko. Juskolord! Bata pa po ako pero mukhang magkakasakit pa po ata ako sa puso sa nangyari.

Binuksan ko ang pinto at pinitik sila isa isa sa noo.

"Aray!" Sabay sabay na reklamo nila.

"Maaga akong magkakasakit sa puso sainyo eh!" Inis kong sabi sakanila at pumasok ulit sa kwarto ko. Sila din naman pumasok na.

"Are you sure about this?" Malungkot na tanong nila sakin at umupo silang lima sa kama ko. Kulang... wala si Ate Love.

Sinuklay ko ang buhok ko at tinignan sila. Mga nakapout at halata sa mukha nila ang lungkot. Parang kinurot ang puso ko dahil dun. Nat-teary eyed ako ganun din sila. What the hell. Don't cry, please?

"A-ano ba kayo g-guys! 'Wag naman kayo umiyak. Pati ako naiiyak eh!" Maktol ko sakanila at pinahid ang luhang tutulo na sana.

Tumayo sila at niyakap ako. And there, I burst out. Mamimiss ko sila. 2 years yung binuo naming pagkakaibigan. 2 years ko sila laging kasama. Hindi ako sanay ng hindi sila nakikita araw araw.

Campus QueenWhere stories live. Discover now