Chapter 15

28.6K 859 219
                                    

Natuwa naman ako sa comments niyo sa previous chap. Hindi naman halatang galit na galit kayo kay Blake, 'no? Hahaha! Enjoy this chappie, please. :)

Kinabukasan ay nagising ako ng mugtong mugto ang mata. Tinignan ko ang orasan ko at nakita kong 7:30am na pala. 9am pa ang start ng programme ng EU mamaya. 2nd day na nga pala ngayon kaya kami ang sasayaw! Shit. Papasok pa ba ako?

Kinapa ko ang cellphone ko at binuksan iyon. Namilog ang mata ko sa nakita kong messages. 150 messages iyon at may 90 missed calls ako. Puro ang barkada ang laman ng dalawang 'yun.

From: Ara Ramos

- Kylie, where are you?

From: Ethan Sorosa

- Kylie... Answer your goddamn phone!

From: Kinah Kiara Molinas

- Kylie Michelle! Asan ka ba?! Nagaalala na kami sayo!

From: Ian Yu

- I told you.. hays. Where are you? Hindi namin kayo mahanap ni Blake.

At 'yung iba ay ganun din. Halos nagaalala sila saakin. Pero isang text lang ang nakaagaw ng atensyon ko.

From: Dominic Nicole Gamboa

- Hindi ako magiging bias. You two are my friends, but try to talk again. Yung kalmado na kayong dalawa. Para malinawan kayo, Kylie, ang dami nyo ng nadanas. Diyan pa ba kayo susuko? Oo, malaking problema talaga 'yan. Pero why not try to talk? Baka nadala lang kayo ng emotions niyo. You guys know that we care for you both. Talk to him. Okay? Pumasok ka bukas, please.

Nang mabasa ko iyon ay nilagay ko ang palad ko sa noo ko. Haaaaaaaaaay! What now?!

Nagscan pa ko ng texts. Hinahanap kung may text siya doon pero wala. Chineck ko muna ang twitter ko. At punyeta, napakagandang bungad ang nakita ko!

- Yesterday's pic with him. Thank you, Blake. Had a great date with you! Goodmorning! :) xoxo -

Halos mabato ko na ang cellphone ko sa tweet na 'yun ni Liz. Wow ha?! Ang sweet nila sa picture!

Tumayo ako at naghanda na. Papasok ako. But, I'm sorry Doms. Hindi kita susundin. Especially ngayong nakita ko 'yung picture na 'yun na sobrang saya nila?! Ha! 'Wag na.

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang SSG Tshirt namin at nagsuot na din ng pants at sinuot ko na ang Jordan 3 ko at nagayos ng mukha at kinuha ang backpack ko at bumaba. Nakita ko doon si Kuya at Ate na masayang kumakain.

"Goodmorning, baby." Bati saakin ni Kuya.

"Morning, Kuya." Sabi ko at umupo sa tabi ni Ate.

Napansin kong nakapangalis sila kaya napakunot ang noo ko.

"San kayo pupunta? Ang aga pa ah,"

Ngumiti si Ate. "Sa EU, sis. Papanoorin ka namin. Tsaka, gusto nila Daddy na videohan namin ang performance niyo mamaya para daw mapanood nila mamaya pagdating nila."

Tumango na lang ako. Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako.

"Sabay sabay na ba tayo?" Tanong ko sakanila.

"Yup. Let's go," Aya ni Kuya at kinuha ang susi sa kamay ko.

"Kuya! Ako na magd-drive!"

"No. Wala ka pang license,"

"Pero nakakapagdrive naman ako kahit wala akong license ah? Hindi naman ako hinuhuli!"

Inakbayan ako ni Ate. "Hindi ka lang kasi nat-tyempuhan. Pero kapag natyempuhan ka nako. Hello jail kana lang."

Campus QueenWhere stories live. Discover now