01 - first met

4.2K 155 235
                                    


A wonderful morning to our protagonist Samantha Louise D. Mendoza, twenty one years of living in the world. A lovely, kind and innocent little girl.

Unang araw, sa unang kabanata ng aking buhay sa libro.

Handa na nga ba ako makasalamuha ng isang tao na magbabago sa aking buhay?

Samantha's point of view

THE SUN WAS RISEN AND SHINING, the wind is cold and breezy, people are back to work this morning, some cars are revving and the birds began to fly to get food for their family.

"Kring! Kring!"

Umaga na naman. Isang malakas na alarma sa cellphone ang sumampal sa akin na naging dahilan nang pagkagulat ko.

"Ayoko pa pumasok!" Hiyaw ko habang tinatadyak tadyakan ang mga unan na nakapalibot sa akin dito sa kama. Sinampal sampal ko na rin ang aking sarili para magising at ini-stretch ang katawan.

"Aray!" Daing ko nang masampal ko nang malakas ang aking mukha, tila ba'y gumising ang aking diwa sa sampal na 'yun.

Sino ba kasing tanga ang sasampalin ang sarili? Malamang ako.

I rose up from the bed at kinuha ang twalya na nakasampay sa balcony para makaligo ng mabilis. Fortunately, the condo I rented has a hot and cold shower. Hindi ako magugulat tuwing umaga dahil sa mala-iceland na tubig na 'yan.

After taking a bath, I looked for a plain white t-shirt and jeans in my mini closet. Ang sabi kasi sa amin, para raw sa mga baguhan ito muna ang susuotin tutal wala pa naman kaming uniporme.

Yes, ako ay isang baguhan na estudyante dito sa unibersidad sa Pilipinas. Isa akong dalaga na galing probinsiya ng Cagayan na titira dito sa Manila upang makapagtapos nang pag-aaral at maging isang ganap na Teacher. And also, I want to experience studying here, but at the same time I'm also nervous.

Ikaw ba naman na laking probinsiya ay titira sa ganitong lugar. Walang kakilala, maalikabok, maraming buildings, sasakyan, traffic pa at higit sa lahat ay kakarampot lang ang makikita mo na puno. Kumpara naman sa probinsya masimoy ang hangin, kalmado ang mga tao at higit sa lahat, marami na akong kakilala.

Pero walang makakapigil sa akin, dahil alam ko na para 'to sa kinabukasan ko at ng pamilya ko.

Pagkatapos ko maligo at magbihis, pumunta na ako sa kusina para magluto ng aking almusal. Itlog at hatdog ang aking nilutong ulam, kasabay ng kanin kagabi na isinangag ko na ngayon.

Habang kumakain ako mag-isa sa tahimik na espasyo ng aking condo, naisipan ko kamustahin muna si Mama at i-update ang aking buhay sakan'ya.

Mama:

Good Morning ma! Kamusta diyan? Papasok na po ako mamaya, ingat ka po palagi at inumin mo ang maintenance mo always. I love you!


Hindi ko na siya hinintay pa magreply, dahil alam ko na busy siya sa pagsasaka nang aming palay sa probinsya ngayong umaga.

Hays, nakakamiss pala si Mama't papa.

After I ate, I washed the dishes and ready my stuffs. Pagkalabas ko ng kwarto, tumakbo ako papuntang elevator para sumabay pababa.

"Sandali!" Malakas na hiyaw ko, nilahad ko ang kanang kamay ko sa pintuan ng elevator para pigilan iyon sumara.

Ngunit sa hindi sinasadya ay napatid ako sa aking sintas ng sapatos at aksidenteng nabunggo ang babaeng nasa harapan ko. Sinalo niya ako gamit ang dalawang kamay niya na naka ipit na ngayon sa aking kili-kili.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon