26 - trip

1.9K 100 139
                                    

Samantha's point of view

MADALING ARAW PA LANG ay gising na ako. Plain fitted shirt at high waist jeans ang aking sinuot para kumportable sa katawan dahil sa mahabang byahe, nagbaon na lang ako ng croptop kapag trip ko magsuot.

Para akong batang excited na magfi-field trip ngayon. Hindi naman ako nahirapan mag impake ng gamit dahil tinulungan ako ni ms. Irene noong pumunta siya dito sa condo ko.

Pero sa totoo lang, hindi talaga ako naeexcite. Ayoko nang bumabyahe nang malayo, mabilis kasi akong mahilo at masuka depende sa amoy ng kotse.

Nagready ako ng facemask at plastic sa aking sling bag. Mahirap na, kawawa naman ang makakatabi ko kapag nasukahan ko siya.

Kaunting snacks lang ang aking dinala para hindi ako magutom sa byahe. Nagprisinta na rin si ms. Irene na isabay ako papunta sa school.

Isang maleta, bagpack at ang sling bag from 'Kultura Filipino' lang ang aking dala. Ang bag na ito ay galing sa kan'ya noong nagmall kami.

Wala akong pake kung marami akong dala, ayoko lang umabot sa punto na maglalaba ako doon dahil wala na akong maisuot.

Sabi ni ms. Irene sa 'National Museum' daw ang una naming destination, medyo may kalayuan daw 'yon kaya pinagready niya ako ng snacks if ever na magutom ako.

Sus, sa halik mo pa lang busog na ako. Charot!

Tumawag na rin ako kay mama't papa upang magpaalam, sinabi lang nito na mag-iingat ako at 'wag papabayaan ang aking sarili.

Yes, I will. I promise, mama at papa.

Narinig ko naman na nagvibrate ang aking phone kaya tinignan ko 'yon, baka kasi si Irene na.

Goodmorning, Samantha! I hope you are excited for our tour and vacation later.

Si ms. Dawn pala. Kaagad ko naman itong nireplayan, baka kasi sabihan akong suplada. Mahirap na.

Goodmorning too, ms. Dawn. Yes, I am very excited po.

Pero hindi sa byahe, kung pwede lang lumipad na papunta sa aming gawi. Ginawa ko na sana, eh.

Great! I can't wait to see you. See you later, Samantha!

Ano ba ms. Dawn, ako lang po 'to. Charot! See you later din po.

Oh diba, nakuha pa magbiro ni gaga sa kan'yang propesor.

Silly, Samantha! But I love your vibes huh. Anyways I have to go na, ingat sa pagpunta, okay?

Yes, I will po.

Good.

Hindi ko na ito nireplayan pa nang tumugon siya sa sinabi ko. Bakit ano ba mairereply ko sa 'Good' ha? Hadoukenz.

Bago ko maibaba ang aking phone, tumunog ulit ito. Lintek naman oh!

Saviel D' Binalikan:

"Babeeee omg! Gising ka na?"

"Hindi, nananaginip pa ako dito."

"Ito naman, masyadong seryoso kausap. Anyways, tabi tayo mamaya ah?"

"Sa tingin mo may choice pa ba ako?"

"Wag ka sana kausapin ni ms. Irene mamaya bawakanangshit ka! Pangit mo kausap."

"Ito naman 'di mabiro HAHAHA! Oo na, tabi tayo mamaya. Basta ako sa bintana huh?

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon