31- hurt

1.9K 111 228
                                    

Samantha's point of view

ISANG LINGGO. Isang linggo na ang nakakalipas, ngunit sariwa pa rin ang sakit na aking nararamdaman hanggang ngayon. Maraming nangyari sa loob ng isang linggo na sana'y madaling kalimutan at maglaho na parang bula.

Araw-araw ay nagpapalunod ako sa aking mga luha at nagpapasaksak sa kan'yang mga sinabi sa akin.

Sa loob ng isang linggo ay nagpapakapagod akong humingi ng isang pagkakataon sa kan'ya. Nagpapakapagod akong humingi ng tyansa sa kan'ya. Nagpapakapagod akong magmakaawa sa kanya, at nagpakapagod akong magpakatanga sa kan'ya.

Sa lahat ng aking pagpapakapagod para sa kan'ya, ang ipagtabuyan at pagsalitaan ng masasakit lamang ang aking natanggap galing sa kanya.

Minsan nga'y hirap na akong makahinga kakaiyak at kakaisip sa kan'ya pero ano nga bang magagawa ng iyak ko kung tuluyan na ngang nawala ang mahal ko.

Ngayon ay nandito ako nakaupo sa study table ko at gumagawa ng 'letter' para sa kan'ya. Wala naman akong balak ibigay sa kan'ya ito, sadyang buryo lang talaga ako ngayong oras dahil sa pagod sa eskwela at sa kan'ya.

Love, Irene.

Hi, love! Kamusta ka naman? Love, hanggang kailan mo ba ako papahirapan nang ganito? Pagod na pagod na po ako. Pero wala naman akong sinabing susuko ako 'di ba?

'Pag napagod ako, magpapahinga ako. Hindi yung kapag napagod, bibitaw na.
Gagawin ko ang lahat para sa iyo dahil nangangako ako na muli kong ipapanalo at kukunin ang iyong puso.

Love, kahit ilang beses mo pa ako ipagtabuyan. Hinding-hindi ako mawawala sa piling mo dahil nangako sa'yo na hindi kita iiwan, hindi ba'y nangako ka rin sa akin? Pero bakit hindi ka tumupad? Bakit ka bumitaw?

Ah, kasi nga hindi mo naman ako minahal. Ano nga bang silbi ng pangako kung hindi mo naman mahal ang taong iyong pinapangakuan, hindi ba?

Love, kaya ako nangako sa'yo dahil mahal kita at gusto kong panindigan 'yon, pero sa ipinapakita mo sa akin ay binibigyan mo ako ng rason para sumuko at bumitaw.

Kung mag iba man ang ihip ng hangin, paalam na, mahal ko. Salamat sa pagpapaligaya at pagpapakita sa akin ng makulay na mundo sa saglit na panahon.

Your Sammybear.

Umiiyak akong tinatapos ang aking isinusulat para sa kan'ya. Napaisip din ako kung ibibigay ko ba o 'wag na lang. Ibibigay ko ba? Ibigay ko kaya? Kaso baka ipagtabuyan niya lang ulit ako.

Oo, sa loob ng isang linggo ay may nangyari na namang hindi maganda. Ipinagtabuyan niya ako ng dahil sa pagmamakaawa ko sa kan'ya.


(Author: Do you want the flashbacks scenes? Then I'll give it to you, haha!)

Flashbacks

Kabado at takot akong aapak ngayon sa loob ng University. Hindi ko alam ang pwedeng mangyari sa amin ni ms. Irene kapag kami ay nagkita. Pagkatapos ng lahat na nangyari ay wala itong paramdam sa akin. Tila ba'y pinanindigan na niya ang kan'yang sinabi.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon