36 - be mine

1.8K 97 215
                                    

Samantha's point of view

DALAWANG ORAS NA KAMI nandito sa kanilang farm, hindi naman kami nagmamadali dahil ako naman ay parang bata na ineenjoy ang paligid. Kaming dalawa lang ang nandito sa kanilang farm, kaya pwede namin gawin ang gusto naming gawin.

"Love, dito ka picturan kita dali," Todo pose naman ako katabi ang malaking sunflower nang itutok sa akin ni Irene ang camera. "You're so beautiful, love." Kumento niya nang makita niya ang picture ko na lumabas instax.

"Picture rin tayo, Irene bilis!"

Her right hand is on my shoulder and my left hand is on her waist. Dinikit niya ang kan'yang mukha sa akin at nakita ko naman na todo ngiti siya. Hindi ko namalayan na napindot na pala niya ang button ng instax, kaya ang resulta ng aming picture ay nakatingin ako sa kan'ya.

"Para akong matutunaw dito sa picture natin, love." Pang-aasar niya sa akin na dahilan nang pagkamula ko sa kahihiyan. Gosh! "Masyado na ba akong maganda para tignan mo nang ganyan." Hinampas ko naman siya sa braso nang dagdagan pa ang sinabi.

"Ouch!" Daing niya at sabay himas sa braso. Nakonsensiya naman ako sa ginawa ko sa kan'ya, kaya nilapitan ko siya upang suriin iyon.

"Hala, sorry hindi ko sinasadya," I apologized, caressing her arm.

"Napakasadista mo talaga."

"Hindi ko naman sinasadya, ikaw kasi, eh!" Nakita ko naman napasimangot siya sa sinabi ko. Bakit, kasalanan niya naman talaga. Nang-aasar kasi.

"Bakit ako? Eh, ako na nga 'tong nasaktan,"

Hinimas-himas ko na lamang ang kan'yang braso hanggang sa mawala ang sakit nito. Wala akong gana makipagtalo sa kan'ya dahil nga nay nakonsensya ako, habang siya naman ay nakatingin lang sa akin.

"H-hindi lang diyan ang masakit." Nanghihina niyang sambit. Nagtaka naman ako kung saan pa, eh sa braso ko lang naman siya hinampas.

"Huh, saan?"

"Dito oh," Tinuro niya ang kan'yang dibdib na ikinainis ko muli. Hindi ko naman hinampas 'yun, pero mahahampas ko na sa kaharutan niya.

"Ewan ko sa'yo, kaya ka nasasaktan puro ka kalokohan!" Akmang papaluin ko na sana siya, ngunit nahawakan niya kaagad ang aking kamay upang mapigilang dumapo sa kan'ya.

"Kung ako sa'yo tumakbo ka na."

"B-bakit, ano na naman ba 'to, Irene?" I asked confusedly habang pilit ko binabawi ang aking kamay sa pagkahawak niya.

"Dahil 'pag nahabol kita, akin kana." She answered and smirked. My eyes widened at what she said, so I ran fast.

"AHHH! TULONG!"

Hindi ako makatakbo nang maayos dahil sa aking suot na bodycon dress, sobrang fit sa legs ko, kaya inangat ko ito para makatakbo hanggang makabalik sa aming tambayan.

Hinihingal akong nakabalik sa aming tambayan, naisipan ko munang uminom muna ako ng juice upang mapawi ang uhaw. Nakita ko naman si Irene na nakahawak sa kan'yang tuhod na hinihingal ding naglalakad.

"Ano kaya pa?" Natatawang tanong ko sa kan'ya, napatingin naman siya sa akin. "Nirarayuma ka na kasi, kaya 'wag mo na akong hamunin sa mga takbuhan." Hahaha! It's payback time.

"Ang bilis mo tumakbo, lugi ako," Saad niya nang makabalik sa tambayan namin at umupo sa tabi ko.

Binigyan ko naman siya ng tubig upang mawala ang uhaw niya, pinunasan ko na rin ang pawis na nagkakalat sa noo't leeg niya.

"Ganyan kasi kapag tumatanda na, mahina na ang kasukasuan!" Asar ko sa kan'ya na naging sanhi nang pagkabulunan niya sa tubig. "Oh, ayos ka lang?" Tanong ko habang hinahagod ang kan'yang likod.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon