34 - second

2K 97 76
                                    

Samantha's point of view

TATLONG LINGGO NA ANG NAKAKALIPAS nang magkaayos kami ni Irene, nakikita ko naman sa kan'ya na nag-effort siya para sa akin at bumabawi naman na talaga. Label nalang talaga ang kulang.

Araw-araw ay pumupunta ito sa aking condo para alagaan at samahan ako, nagdadala rin ito ng kan'yang nilutong pagkain para raw hindi na ako magluto. Tuwing weekends ay niyaya ako pumasyal kahit saan, minsan naman ay nag-sstay lang kami sa condo ko para magmovie marathon. Kaunti nalang papatirahin ko na 'to sa condo ko. Charot!

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakausap ni Savi at Francine, hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin sa kanilang dalawa na nagkaayos na kami ni Irene eh. Lord give me strength!

Si ms. Dawn naman ay kahit papaano inaalala pa rin ako nito, niyaya niya akong lumabas, sumabay kumain sa Cafeteria, magrant sa kan'ya ng problema at marami pang iba. Naappreciate ko naman ang kan'yang ginagawa sa akin, malaki rin ang pasasalamat ko sa kan'ya na hindi niya ako iniwan sa panahon na lunod na lunod ako sa sakit at problema.

Bago ako pumunta sa University, dumaan muna ako sa banko para magpawithdraw ng pinadala ni Papa sa aking card. Si Papa ay isang ofw sa ibang bansa. Dapat si Mama talaga ang magi-ibang bansa, ngunit nagprotesta si Papa na siya na raw.

Ayaw na niyang mahirapan at mapagod pa si Mama, okay na raw na siya ang mahirapan at magpagod doon sa ibang bansa kaysa kay Mama na medyo mahina na.

Pagkatapos ko makuha ang perang ipinadala ni Papa, kaagad ko naman itong tinawagan. "Hello, Papa!"

"Hello, 'nak! Ano natanggap mo na ba ang perang naipadala ko sa'yo?"

"Opo Papa, natanggap ko na. Ikaw naman kasi, eh! Ayaw mo pa akong magpart time job, sabi ko naman sa'yo kayang-kaya ko," Pabirong reklamo ko dahil hindi niya talaga ako pinapayagan magpart time job.

I heard he sigh before speaking. "Sabi ko naman sa'yo na hangga't kaya ni Papa, bubuhayin ko kayong mag ina ko. Hindi mo kailangan magpart time job, mas mabuti na magpokus ka muna sa pag-aaral mo para pag uwi ko ay may anak na akong guro," Bakas ang pagkaproud sa akin ni Papa sa kan'yang boses.

Dahil sa kanilang dalawa ni Mama ay tumataas ang aking standard pagdating sa pagmamahal. Ang kanilang pagmamahalan ay puno ng saya, tiwala sa isa't isa, at puno ng pagibig na kahit kailan ay hindi sila nagsasawa.

"I miss you, Papa." Mariin kong ipinikit ang aking mata, pinipigilang maluha.

"Miss na miss na rin kita, anak ko." Sagot naman niya sa kabilang linya na ikinangiti ko. "Mag-ingat ka palagi riyan anak, ha? Gagawin lahat ni Papa upang matupad mo 'yang pinapangarap mo maging guro."

"O-opo, Papa magtatapos po a-ako para sainyo ni Mama," Umiiyak na sambit ko. Tuluyan nang bumagsak ang aking luha. Hindi dahil sa lungkot, kung hindi sa saya.

"Huwag lang para sa amin, 'nak. Gawin mo 'yan para sa'yo. Nandito lang kami ni Mama mo nakasuporta palagi sa'yo."

"Salamat, Papa.."

"Oh sige na 'nak, magpapaalam na si Papa. Sinobrahan ko 'yang ipinadala ko sa'yo para makabili ka ng gusto mo," Pagpapaalam niya. Pinunasan ko naman ang luha sa aking mga mata.

"Sige po, mag-ingat po kayo lagi riyan, ha? Salamat din po pala, Papa,"

"Mahal na mahal ka ni Papa 'nak."

"I love you too, Papa." Malambing ma tugon ko bago ibinaba ang tawag.

Akmang ilalagay ko nasa ang cellphone ko sa aking bag upang umalis, ngunit nakita ko naman na nagvibrate ang aking phone kaya tinignan ko ito.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon