35 - picnic

1.9K 98 48
                                    

Samantha's point of view

SABADO NANG UMAGA ngayon at nakahilata lamang ako rito sa kama. Wala namang pasok, kaya hindi muna ako bumangon. Sinumpong na naman ng katamaran. Hehe.

"Kamusta na kaya si ms. Dawn?" Tanong ko sa aking sarili nang sumagi siya sa isip ko.

Alam ko na hindi madali ang kan'yang pinagdadaan ngayon, lagi siyang sumasagi sa isip ko at minsan ay tinetext ko pa ito pero ang sagot niya lang ay 'I'm fine Samantha, you don't need to worry.' hindi ko rin naman kasi maiwasang mag-alala sa kan'ya lalo't napalapit na siya sa akin.

Nawala naman ako sa pag-iisip nanf narinig ko na nagriring ang aking phone. Nakita ko na si Irene ang tumatawag kaya tamad na sinagot ko ito.

"Goodmorning, love!"

"Goodmorning din." I said with sleepy tone after yawning.

"Mukhang antok ka pa, ah." She chuckled softly. "By the way, papunta na pala ako riyan. Hindi na ako kakatok, ha? Nandito naman sa akin 'yung spare key mo."

Oo, binigay ko sa kan'ya ang spare key ng aking condo tutal lagi naman siyang pumupunta dito. Wala sa oras siyang pumupunta kaya minsan naiistorbo ako.

"Okay, ingat sa pagpunta." Paalala ko sa kan'ya. Floor lang naman ang pagitan namin, pero sinabihan ko na mag-ingat. Tanga pa naman eh.

"Yes, I will. Sige na, ibababa ko na 'tong tawag, I love you!" Natulala naman akong namumula rito sa kama dahil sa kan'yang sinabi.

Kapag nagbibigay talaga siya ng kasiguraduhan na mahal niya ako, parang first time niya lamang iyon sabihin. Letche talaga 'tong babaeng 'to,  Umagang-umaga pinapakilig ako.

"Hey, nandyan ka pa ba?" Nawala naman ako sa pagkatulala nang magsalita ito. Bumalik ako sa reyalidad, nakalimutan kong may kausap pa pala ako.

"Y-yes, sige na b-bye!"

"Hindi ko ibababa 'tong tawag na 'to hangga't hindi ka nag- I love you too sa akin." Bakas ang pagkastrikto sa boses niya, kaya naisipan ko naman siyang asarin. Ayaw mo ha, edi 'wag.

"Eh 'di ako ang magbababa, bye!" Hindi ko na sinagot ang pagrereklamo niya sa kabilang linya nang binababa ko na ang tawag.

Mindset ba, mindset.

At dahil wala naman akong gagawin, natulog na lang ulit ako. Gigising na lang ako pag nandito na si Irene. Niyakap ko na ang unan ko dahil sino naman ang yayakapin ko rito, 'di ba? Cheret.

Irene's point of view

BUMABA LANG AKO SA ELEVATOR papuntang kwarto ni Samantha dito since parehas lang naman kami ng building, gusto ko kasi siyang yayain magpicnic sa mapayapang lugar na kung saan ay kaming dalawa lang at makaiwas muna sa problema kahit saglit.

Gusto ko siyang yayain dahil gusto ko na siyang mapasakin. Smooth! Naghahanap lang talaga ako ng tyempo para umamin sakanya na gusto ko na siyang maging girlfriend ko.

Kulang na nga lang ay tumira ako sa condo niya para hindi na kami magkahiwalay, eh. Gustong-gusto ko na kasi siyang kasama lagi, kaya pumupunta ako sa condo niya at nangako rin ako sa kan'ya na babawi ako.

Nakwento niya rin sa akin na ang Mama niya ay nasa probinsiya at ang Papa niya ay isang ofw sa Saudi, kung nandito lang siguro ang kan'yang mga magulang sa Manila ay maglakakas loob akong magpaalam na gusto't mahal ko ang kanilang anak kahit ang pagmamahalan namin ay isang pagkakamali, handa ko itong ipaglaban.

Just a minute passed, I'm now here in front of Samantha's room. I opened the door and went straight to her room. I smiled when I saw her sleeping soundly. I sat next to her, gently caressing her gorgeous face.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon