38 - threatened

1.9K 100 181
                                    

Irene's point of view

SAMANTHA AND I are here today eating breakfast at the Spiral buffet, ako na ang kumuha ng pagkain namin sa kadahilanan na hindi nga siya makalakad nang maayos.Sino ang mukhang matanda at mahina ang kasukasuan ngayon?

Dito ako pumunta sa Filipino dishes section, gusto raw kasi ni Samantha ang filipino breakfast kaysa sa pang international. Tahimik lamang kaming kumakain ngayon, napapansin ko na parang gutom na gutom, tulala at wala sa mood si Samantha ngayon. May dalaw ba siya?

"Bakit ang tahimik mo, love?" Pagbasag ko nang katahimikan, ngunit hindi siya umimik, pinagpatuloy na lamang ang pagkain. May problema ba 'to? "Hey! Dahan-dahan sa pagsubo, baka mabulunan ka niyan."

She turned her gaze at me before rolling her eyes. "Che! Palibhasa ang ambagal mo kumain. Slow eater!" Nang-aasar ba 'to nang-iinsulto?

"Talaga? 'Pag ikaw kinain ko nang mabilis diyan, tamo," Nakita ko naman na muntik na siyang mabulunan dahil sa sinabi ko, kaya tinawanan ko ito sa pagwagi ko.

"Bastos!"

"Sa'yo," Bara ko naman at ngumisi.

I saw how her eyes widen. "Pervert!"

"Sa'yo pa rin" Nagulat naman ako nang bigla niyang binato sa akin ang puting sapin at sapol sa aking mukha. Headshot

"Ewan ko sa'yo, andami mong alam!"

"Marami naman talaga, isa na riyan 'yung kung paano kita hindi pinalakad," I continued teasing her. Nakita ko naman sa mukha niya ang inis na dumaan bago pinagkuros ang braso sa dibdib. Suyo na lang talaga mamaya.

"Oh talaga?! Galing mo naman po, lola! Proud na proud sa'yo ang mga apo mo,"

Imbes na maasar ako sa kan'yang sinabi, natawa na lamang ako. Mas mukha kasi siyang pikon at totoo naman. Pinagpatuloy niya na lamang ang pagkain, kaya doon na siya tuluyang mabulunan. Takaw kasi.

"Oh, sabi ko kasi sa'yo dahan-dahan lang eh," I immediately approached. I rubbed her back to calm down and stop coughing. Akala mo kasi hindi pinapakain, napakatakaw. "May humahabol ba sa'yo, love? Bakit kasi ambilis mo kumain? Ayan tuloy nabulunan ka,"

"Wala, basta gutom ako."

Pinagpatuloy na lamang namin ang pagkain hanggang sa matapos. Bago kami bumalik sa kwarto, nag-ikot-ikot muna kami rito sa swimming pool at napagpasyahan naming tumambay malapit sa dagat.

Nakita ko naman na mukhang malalim ang iniisip ni Samantha, malayong nakatingin sa dagat. "What are you thinking, love?" I softly asked, caressing her face.

"Kung paano ulit makapaglakad nang maayos at paano mawala 'tong marka na nasa leeg ko ng mabilis at madali." Seryosong tugon niya at napalunok naman ako. Mukhang napasarap talaga ang paghalik ko sa katawan niya kagabi.

"H-huh? What do you mean?"

Tumingin naman ito sa akin. "Irene, may pasok na tayo bukas, alam mo ba 'yon? At ito pa rin ako, nakaupo sa wheelchair at tinatago ang mga marka na ginawa mo sa leeg ko." I gulped hard before averting my gaze at her. Ano ba pinakain ng babae na 'to sa akin, bakit napaka under ko pagdating sa kan'ya ngayon.

"Pa-patingin n-nga." Hinawi ko ang kan'yang buhok para makita nang malinawan ang mga marka, ngunit pinalo niya lamang ang aking kamay upang hindi ko makita ang kan'yang leeg.

"Huwag na! Baka dagdagan mo pa eh." Baka nga.

Ito na ata ang unang sumpong niya ngayon na magkarelasyon na kami. But this is probably the best decision I have ever made in my life. To love the woman I used to hate and promised myself that I would never love her.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon