50 - sister's love

1.6K 117 54
                                    

Imee's point of view

"OH, BAKIT KA UMIIYAK? Eh, hindi ba dapat masaya ka dahil nagkita na kayo?" I asked confusedly. Dahil patuloy pa rin siya sa pag iyak.

Ano ba ginawa sa kan'ya nung Samantha na 'yun?

"Ate, galit na galit siya sa akin." She answered while sobbing.

"Huh, bakit? Irene, 'di ba nagbigay ka naman ng goodbye letter sa kan'ya noong umalis ka. Eh, bakit naman siya magagalit sa'yo, kung may dahilan naman 'yang pag alis mo," Hinihimas ko ang likod niya upang kumalma. Wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak, baka atakihin bigla ng asthma.

"Y-yun nga ate, h-hindi ako nagbigay ng dahilan.."

"Irene!" Galit na pagkabigkas ko ng kan'yang pangalan. "Eh, kasalanan mo naman pala 'yan. Bakit kasi hindi ka nagbigay ng dahilan?"

"K-kasi ayoko siyang mag-aalala sa akin, kahit pag-alis ko ng bansa h-hindi niya alam.." Wandot sasapakin ko 'to!

"Ay gaga ka pala!" Iritadong turan ko. "Paanong hindi magagalit 'yung tao sa'yo, kung hindi ka man lang nagbigay ng dahilan!" Siya naman pala ang may kasalanan ano ba 'yan!

"Ano ka, parang bula na biglang naglaho?" I sarcastically asked. Kung hindi ko lang 'to kapatid, ay nako.

"A-ate, I'm sorry.. I'm sorry.." She sobbed. Hays, ading kawawa ka naman.

Ngayon ko na lang ulit siya nakitang umiyak nang ganito, ang huli ay dahil kay Daddy. Hinihiling ko na 'wag nang maulit, ngunit nangyari pa rin.

"Ading, huwag ka humingi ng tawad sa akin. Kay Samantha, sa kan'ya ka humingi ng tawad," I hushed her. Ang hika mo ading ko, baka lumalala nang wala sa oras.

"Hindi sa pinag-iisip kita, pero paano kung dahil diyan sa ginawa mo ay mas lalo mo siyang pinag-alala." Tumingin siya sa mga mata ko. "Irene, anim na taon. Anim na taon kang nawala, 'tapos isipin mo anim na taon din siyang nag-alala sa'yo dahil nga hindi ka man lang nagbigay nang maayos na detalye at dahilan."

Labag man sa kalooban ko pero kailangan niya rin malaman ang kamalian niya.

"Hindi ko alam! Ang ayoko lang naman, ay ang mag-alala siya sa akin." Tila nawawala sa wisyo na saad niya. "Ate, ayos lang na ako 'yung maghirap sa aming dalawa, pero ang makita ko siya na umiiyak dahil sa akin. Ikinadudurog ng puso ko," Grabe talaga ang pagmamahal.

Halos hindi ko na makilala pa sa kan'ya ang kapatid ko. Hindi ganito si Irene. Iba ang epekto sa kan'ya mg pag-ibig at noong Samantha na 'yun.

"Pero binigyan mo, binigyan mo siya ng dahilan Irene. Ayoko man sabihin 'to pero sana ginamit mo nang maayos 'yang pag iisip mo at huwag magpadalos-dalos ng desisyon."

Pasensya ka na ading, pero kailangan mo talagang malaman na may mali ka rin.

"Ate, sa tingin mo mamahalin niya pa ako?" I slowly nodded for response.

"Ading mamahalin ka pa niya, pero kailangan mo munang ipunin ang tiwala't pagmamahal niya para sa'yo. Hindi gano'n kadali ang ibigay muli ang tiwala kung ikaw mismo ang bumasag nito." I explained to her and she started to sobbed again. What a cry baby bunny.

"Ate, sinabi ko naman sa kan'ya 'yun eh, pero sabi niya magpapahinga muna siya."

"Oh, eh 'di hayaan mo muna siyang magpahinga, ikaw naman ang maghintay sa pagbalik niya," Sagot ko habang inaayos ang mga sabit sabit na buhok niya.

"Ate, sagutin mo nga ang tanong ko."

"Hm, ano 'yun?"

"Pinagod ko ba talaga siya ng sobra sobra sa paghihintay at pag aalala?" Tanong niya na nakapagpaisip sa akin saglit, ngunit hindi nagtagal ay sumagot na ako.

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon